CHAPTER 3 - WAITRESS

1.6K 53 3
                                        

Lilaine's POV

Nagising ang natutulog kong diwa mula sa mahabang tulog na nagawa ko. Siguro'y dahil na din sa pagod na meron ako.

Pinakiramdaman ko ang paligid, napakatahimik. Kinapa ko din yung hinihigaan ko at ito'y napakalambot sa katawan.

Nasaan ako?

Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata at bumungad sakin ang hindi pamilyar na kisame. Nanuot din saking ilong ang kakaibang bango kasama pa nito ang lamig na bumabalot ngayon sa katawan ko.

Napabalikwas ako ng bangon at agad na inikot ang paningin ko sa buong kwarto.

At ngayon ko lang napagtanto na nasa Maynila na talaga ako at hindi ako nananaginip. Pero...teka? Nasaan si Tiya? Saka nasaan ba talaga ako?

Inapak ko na yung paa ko sa malamig na sahig, at inaamin kong hindi ako sanay sa ganitong klase ng kwarto.

Sandali ko pang pinagmasdan yung kwarto na sa tingin ko'y sobra sobra na para iisang tao. Sana pala, sumama na sakin si Mama para may kasama ako ditong tumira.

May isang malaking kama na kanina nga ay hinihigaan ko, sa kaliwa nito ay ang bintana na hindi ko pa nahahawi ang makapal na kurtina. Meron ding TV set at side table.

May split type aircon pa na nakatodo, kaya pala ako nilalamig kanina.

Pinatay ko muna ito, nakita ko naman kasi yung remote na nakalapag lang sa side table nitong kama.

Lumabas na ako at doon ko napansin na hindi pa pala ako nakakapagbihis ng kahit na anong damit. Nasaan naba yung mga dala kong gamit?

Paglabas ko ng kwarto ay bumungad sakin ang isang sala kasama ng kusina na malapit sa isa pang pinto, siguro ito yung main door.

Maya-maya pa ay halos mapatalon ako sa gulat ng may tumunog sa may pintuan, doorbell ata 'yon.

Naglakad ako patungo doon sa pinto at pinagbuksan kung sino yung taong darating.

"Magandang umaga Miss Lilaine." bungad sakin nung isang Kuya na kasama ko kahapon.

Hindi agad ako nakasagot dahil pakiramdam ko'y lumulutang pa sa kawalan ang utak ko.

"K-Kuya, ikaw pala 'yan, nasaan ba ako?" tanong ko agad sa kanya.

Nagulat nalang ako ng ilapag niya lahat sa may loob yung mga pinamiling damit ni Tiya para daw sakin at kung ano-ano pa.

Grabe, paano niya nadala lahat 'yan ng siya lang mag-isa?

Tinulungan ko na din siyang maglagay sa loob hanggang sa matapos ito at isang paalala ang iniwan niya sakin.

"Maligo kana daw po Miss Lilaine sabi ni Madam, hihintayin po kita sa baba nitong condo niyo para maihatid na kita sa workplace niyo." nagising naman agad yung dugo ko sa sinabi ni Kuya.

"Sige po! Maraming salamat Kuya!" ngumiti siya ng tipid bago lumabas sabay sara ng marahan sa pinto.

Maayos naman na yung mga gamit dito sa condo, ang kaso lang dumagdag yung mga paperbags na dinala ni Kuya dito. Mamayang gabi ko nalang siguro ayusin pagkauwi ko mula sa trabaho.

Ang mahalaga ngayon ay kailangan ko na mag-ayos para makapagsimula na ako sa pinakahihintay kong trabaho.

***

Nakasuot lang ako ng green high waisted candy pants at nakapares dito yung black fitted shirt ko na tinack in ko pa.

Wag sana kayong magtaka kung bakit alam ko yung mga tawag dito, sinabi kasi sakin nung saleslady kagabi isa-isa, buti nalang at may mahaba siyang presensya para sabihin sakin lahat.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon