Lilaine's POV
"Z-Zyler, please? Dito kana lang, ako na ang papasok. Ayaw kong mag-away kayo ni Lathan ngayon," nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo mula sakin.
Nagbaba siya ng tingin saka marahang tumango habang hawak padin ang pulsuhan ko.
"O-Okay...hihintayin kita dito babe." niyakap niya ako bago ako tuluyang pinabayaang pumasok sa Hospital.
Pagkatapos kasing tumawag kanina ni Lathan nung nasa Manila pa kami ay agad akong nagpahatid kay Zyler pabalik ng Baguio para damayan siya sa mga oras na 'to.
Alam kong wala kasing ibang malalapitan yung tao ngayon kaya hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya.
Mabuti nalang at hindi nagalit si Zyler sa gusto kong gawin, sinabi ko naman na kasi sa kanya kung anong nangyari kaya siguro ay wala din siyang ibang nagawa kundi ang pagbigyan ako.
Nanlalamig pa yung mga kamay ko habang naglalakad sa hallway at tinatahak ang daan papunta kay Lathan.
Natanaw ko siyang nakaupo sa gilid habang umiiyak, walang kabuhay-buhay na nag-iisa dito, at walang kasama kahit na sino.
Napatingala ako saka huminga ng malalim.
Muli na naman kasing bumalik saking alaala yung nangyari kay Papa ilang taon na ang nakakalipas, kaya alam ko yung nararamdaman ni Lathan ngayon.
Pero kahit papano, may mga taong dumamay sakin nung mga panahong 'yon, at wala akong ideya kung paano kakayanin ni Lathan na harapin ang bukas, gayong wala na ang kanyang Ina.
Sana naman ay may malapit siyang pamilya dito para sa ganun ay meron siyang masandalan at malapitan sa mga oras na 'to.
"Lathan," tawag ko sa kanya.
Nakatuon kasi yung mukha niya sa kanyang tuhod, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sakin at doon ko nasaksihan ang mga luhang patuloy na lumalabas mula sa kanya.
Mukha na siyang patay ngayon at hindi ko masikmurang pagmasdan siya sa ganitong sitwasyon.
Malayong-malayo sa maaliwalas niyang ekspresyon. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
Lumapit ako saka lumuhod sa tabi niya para malaya ko siyang mayakap ng mahigpit, ito lang kasi ang tanging alam kong paraan para madamayan siya.
"W-Wala na si Mama, Lilaine. Iniwan na niya ako," sabi niya sakin sa gitna ng mga paghagulgol niya.
Hinayaan ko nalang din na tumulo ang mga luha ko at patuloy na nakikidalamhati sa kanya.
"H-Hindi ko na alam ang gagawin ko...w-wala na din akong dahilan pa para mabuhay, siya nalang ang tanging meron ako Lilaine, siya nala---"
"Sshhh, huwag kang magsalita ng ganyan hah? M-May dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to, may dahilan ang lahat." pilit kong pinatatag ang boses ko habang nakaalo padin sa kanya.
Ayaw kong magbago ang Lathan na nakilala ko dahil nga sa nangyaring pagkawala ng kanyang Ina. Hindi sa pagiging selfish pero natatakot ako sa maaaring gawin niya.
"Alam ko yung pakiramdam ng mawalan ng minamahal sa buhay, Lathan. Pero kahit kailan ay hindi ko naisipang sumuko kasi ramdam ko...na may nandyan padin para sakin." dagdag ko pa saka humiwalay sa kanya.
Hindi siya makatingin ng ayos sakin ngayon.
Gulong-gulo na ang kanyang buhok at gusot na din ang suot niyang damit.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
عاطفيةSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
