Lilaine's POV
Nakatanaw lang ako sa malawak na bintana nitong condo ko, habang yung isip ko ay nananatiling lumulutang sa kalawakan. Payapa lang din akong nakaupo sa bean bag sofa na nakaharap dito at hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga oras na 'to.
Kusa nalang din na napadpad yung kamay ko sa 'king tiyan. Hindi ko padin kayang paniwalaan ngayon na may isang bata na sa aking sinapupunan. Buwan na ng Pebrero ngayon, at isang buwan na siyang nananatili sa tiyan ko pero hindi pa alam ni Mama yung tungkol sa pagbubuntis ko.
Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon niya, at wala din akong ideya kung anong isasagot ko kapag tinanong niya kung sino ang Ama gayong 'di niya din alam na naghiwalay na kami ni Zyler mula nung umalis kami sa probinsya.
Jusqo, ano nang gagawin ko nito? Masyado na akong naguguluhan!
Napatingala nalang ako sa kisame saka nirelax ang katawan ko dito sa sofa, kung saan doon ko din hinayaan na tumulo ang luha kong hindi ko mapigilan sa paglabas.
"H-Huwag kang mag-alala anak. H-Hindi kita pababayaan, aalagaan ka ni Mama okay?" marahan kong hinaplos yung tiyan kong 'di pa naman halata ang pag-umbok, pero ramdam ko na siya sakin.
Naputol lang ako sa pagdadrama nang tumunog yung doorbell nitong condo, napalunok ako saka napaayos ng upo. Agad ko ding hinawi yung mga luha ko at sinipat ang itsura ko sa salamin bago binuksan yung pintuan.
"L-Lathan," basag ang boses ko nang sinimulan kong magsalita.
Napakaaliwalas ng ekspresyon niya pero agad din 'yon napawi nang mapansin niya ang itsura ko. May dala-dala din siyang ilang paper bags.
"Umiiyak kana naman," nilapag muna niya ang kanyang mga hawak bago ako hinila palapit sa kanya, kung saan doon niya 'ko ginawaran ng mahigpit na yakap.
"Don't stress yourself too much, makakasama 'yan sa baby mo." paalala naman niya habang patuloy na hinahaplos ang likuran ko.
Lalo tuloy akong naiyak sa sinabi niya, at wala din akong ibang maramdaman kundi ang pasasalamat para sa kanya. Kasi bukod sa kaibigan ko na sina Patricia at Bianca, siya palang ang palaging unang nandiyan para sa 'kin.
Kumalas na siya sa pagkakayakap ko saka ako hinaplos sa pisngi.
"I'll try to talk to Zyler, I will tell to him that you're preg---"
"Wag!" napasigaw tuloy ako ng wala sa oras.
Hindi, ayokong malaman niya, dahil ayoko nang magkaroon ng kahit na anong koneksyon sa kanya!
Oo, iisipin ng iba na isa na namang panibagong katangahan 'tong gagawin ko. Pero mas magiging tanga ako kung babalikan ko siya dahil lang sa nabuntis niya ako. Tapos na kami, tinapos ko na ang meron samin simula palang nitong taon, kaya bakit ko pa siya babalikan?
Baka isipin din niya na habol ko lang ang pera niya para sa anak niya sakin, ayoko ng ganon.
Saka mabuti na nga lang din at kahit na nasa iisang condo kami ni Zyler ay hindi padin nagkukrus ang landas naming dalawa, siguro'y isa na din 'tong senyales na kailangan na talaga kaming hindi magkita.
"Lathan, ayoko. Hindi ba't sinabi ko na sayo na hayaan mo na sila ni Lysandra? S-Saka...kaya ko namang buhayin yung anak ko 'pag nagkataon. Ayoko ding lumaki siya nang namamalimos nung atensyon ng kanyang Ama," paliwanag ko pa saka nagbaba ng tingin.
Nung nalaman kasi ni Lathan na buntis ako ay hindi na niya ako tinantanan at tinanong kung sino ang Ama nitong dinadala ko. Eh sino paba? Wala naman akong ibang nakasama kundi si Zyler lang. Siya lang din ang nakakuha ng lahat sa akin, kaya hindi na ako nag-isip pa ng iba.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
