CHAPTER 19 - MINE

1K 25 1
                                        

Lilaine's POV

"Hindi naman siguro makulit itong anak ko, Lilaine 'no?" tanong ni Ma'amm Louisha habang kinakain yung inisliced kong apple para sa kanya.

Pasimple ko namang tinignan si Lathan na ngayon ay nginisian lang ako sabay kagat sa hawak niyang sandwhich.

Hindi kasi kami pinauwi kagabi nung Ina ni Lathan dahil daw gabi na at delikado na sa daan, kaya mas minabuti niyang panatalihin kami dito sa Hospital.

Humigop muna ako sa hawak kong kape bago sumagot.

"H-Hindi naman po Ma'am, sadyang malambing lang si Lathan pero...di naman siya makulit." kaswal kong sagot saka tumawa para di halatang peke yung sinasabi ko.

"Anak, 'wag mo na akong tawaging Ma'am. Mama nalang, okay? Ayaw kong ituring ako ng girlfriend nitong anak ko bilang iba sa kanya," ngumiti nalang ako ng tipid saka tumitig kay Lathan.

Bakas sa kanyang mata ang lungkot at isang emosyon na hindi ko maipaliwanag. Basta, iba siya sa paningin ko.

"Sige po...Mama." tugon ko na dahilan ng pag-aliwalas ng emosyon niya.

"Hmm, mas masarap sa pandinig ko anak." ani niya saka pinaabot kay Lathan yung isang basong tubig na nilaan ko para sa kanya.

Parehas lang din kami ng nararamdaman ngayon, kasi hindi ko aakalain na kahit kakakilala niya palang sakin bilang girlfriend ng anak niya ay magaan na agad ang loob ko sa kanya.

Tapos tinatawag pa niya akong anak, pakiramdam ko tuloy ay meron pa akong isang Ina.

"Saka alam mo ba anak, may isang umaga na dumalaw siya dito sakin. Meron siyang pasa sa mukha, hindi niya naman sinabi sakin kung anong dahilan, alam mo ba kung saan niya 'yon nakuha?" gulat akong napatingin kay Lathan na ngayon ay napakamot sa kanyang batok.

Hindi ko alam yung isasagot ko dito! Wala naman ito sa script ko ah, jusqo Lathan. Saka anong pasa? Saan niya naman kaya nakuha 'yon?

Lalong dumoble yung kabog ng dibdib ko dahil dito, mas lalo tuloy akong nape-pressure.

Nagbalik ako ng tingin kay Mama at halatang hinihintay niya yung isasagot ko sa tanong niya. Napalunok pa ako ng ilang beses.

"U-Uh---"

"Ma? Pwedeng sa labas muna kami sandali ni Lilaine, may sasabihin lang ako sa kanya." putol agad sakin ni Lathan.

"Ganun ba anak? Oh sige, bumalik kayo hah?" hinalikan pa siya nito sa sintido bago ako hinawakan sa kamay at hinila palabas nitong kwarto.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko pa pagkalabas namin mula doon sa loob.

Hinarap niya ako sabay hawak ng mahigpit saking mga kamay.

"I know nagulat ka doon sa tinanong ni Mama," panimula pa niya.

"O-Oo, wala akong ideya na itatanong niya yun sakin. Hindi pa naman kita nakikilala noong panahon na nagkapasa ka, kaya---"

"Did you remember when someone act indecently on you? That time nung nasa bar ka pa ni Madam," napakunot naman yung noo ko at sandaling napaisip sa sinabi niya.

"Gago ka, Lathan!" sigaw nung lalaki doon sa biglaang sumuntok sa kanya.

Napalunok ako at hindi na kaya pang manatili dito sa kinatatayuan ko. Sandali akong nilingon nung lalaking nagligtas sakin, kitang kita ko sa mga mata niya ang  galit.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon