Zyler's POV
"Yes Dad, on the way na ako sa bookstore." sagot ko sa kanya habang hinihintay ang pag-usad nung mga sasakyan sa harapan ko.
[ Okay, good. And after you checked those delivered books, you may go home already. Kailangan mo na ding magpahinga, Zy. ] napabuntong hininga nalang ako saka nagpatuloy sa pagmamaneho, malapit na din kasi akong makarating sa pupuntahan ko.
"Sure, thanks Dad." I said before I ended the call.
Pagkadating ko ng parking lot ay sumulyap pa ako saglit sa rear view mirror nitong kotse bago ako tuluyang bumaba, and the security guard in the entrance greeted me.
I just smiled a bit, because I'm not in the mood right now para makipagplastikan.
"Good evening, Sir." bati sakin nung babaeng nandito ngayon sa staff room, may hawak-hawak pa siyang clipboard.
"Dumating naba yung mga pinadeliver namin na mga bagong libro dito?" I asked without looking at her, naboboring kasi ako lalo sa pagmumukha niya.
"Ah, from what company Sir?" she casually answered.
"Morosova." tipid kong sagot saka sinuksok yung parehas kong kamay saking bulsa, I wanna go home now, inaantok na ako tang ina.
"Sige po Sir, checheck ko lang po." napapikit naman ako sa sinagot niya, I just ignored her before heading to somewhere, until I found myself standing in front of the bookshelves.
Tinignan ko yung mga libro at ito na yung mga pinadeliver naming books, ang bilis naman nilang idisplay. Napangiti nalang ako habang iniisip yung mga taong nagsulat ng mga ito, they're too lucky.
Kasi sa dami ng mga nagsasubmit ng manuscripts and everything in our company, isa sila sa napili kong ipublished. I have no idea if they really deserved na makilala through their piece.
Yung iba kasi ay pinapabalik ko nalang yung mga gawang requirements, wala eh, sumobra ang kanilang sinubmit sa dapat makita ko lang.
"Oh fuck!" wala ako sa sariling napamura nang biglang maglaglagan ang ilang pirasong libro na nandito sa booksheleves, gulat naman akong napatingin doon sa batang pilit na inaabot yung gusto niyang makuha.
My eyes widened when I remember this child...it was the daughter of Lilaine.
Napalibot ang mata ko sa paligid at wala akong makitang presensya niya, pustahan nalingat na naman ang dalawang 'yon kaya kung saan-saan na napunta itong anak nila, parang gusto ko tuloy sapakin si Lathan dahil pinapabayaan lang nila yung bata.
Salubong ang mga kilay ko habang dinadampot at pinagbabalik sa lalagyanan yung mga librong nagkalat, kaya napatigil naman siya at gulat ding napatingin sakin, iisipin na naman niya ako yung Daddy niya, pft.
"Daddy!" I bite my lower lips before staring at her too, and I can't help myself to grip her cute cheeks, ngayon ko lang din napansin na may dimples siya sa magkabilang pisngi.
"H-Hello baby," utal-utal pa ako nang magsimula akong magsalita sa harapan niya, ewan ko ba kung bakit nag-iinit ang sulok ng mata ko habang nakatitig sa batang 'to.
"Daddy, can you please get that book for me po? Hindi ko po kasi maabot, masyado pa akong maliit." she even pouted her pinkish lips, bumabalik tuloy sa alaala ko yung itsura ng kanyang Mommy.
"Oww, sure." kinuha ko na yung librong tinutukoy niya at sandaling pinagmasdan yung title.
' We are Family by Patricia Hegarty '
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
