CHAPTER 34 - CLIMAX

1.1K 30 1
                                        

WARNING | R-18 | Grabe, napakamagbigay ko talaga.🥵

~~~

Lilaine's POV

"Happy New Year, babe!" napangiti naman ako ng matamis habang nakatingin sa kalangitan.

Naramdaman ko naman ang paghalik niya saking ulo habang nakapulupot ang isa niyang kamay sa bewang ko.

Napaka-ingay ng paligid dahil sa iba't ibang paputok na kanilang sinindihan kanina pa. Kahit naman kasi nasa probinsya ako ay 'di nagpapatalo yung mga kapitbahay namin sa ganitong klase ng okasyon.

Madami ding bata ang may bitbit ng sari-sarili nilang torotot, pero kung tutuusin ay kanina pa ako nabibingi, gusto ko na nga silang suwayin ngunit ayaw ko namang sirain ang kasiyahan nila.

Mabait kasi ako.

"Happy New Year din, Zyler." doon ko na siya nilingon at basang-basa ko sa kanyang mukha ang saya na hindi matutumbasan ng kahit na ano.

Naaaninag ko din ang kumikinang niyang mata dahil sa mga pailaw na patuloy na nagbibigay liwanag sa paligid.

Naputol lang yung pagtititigan naming dalawa nang lumabas bigla si Mama dito sa tapat ng aming bahay at nakisalo sa moment naming dalawa ng kasintahan ko.

Niyakap ko siya habang si Zyler ay hinalikan siya sa pisngi.

"Bagong taon na anak, at pang-ilang taon na din natin ito na hindi kasama ang 'yong Ama." kahit nakangiti siya habang sinasabi ang katagang 'yon, ang mga mata niya ang nagsasabi ng totoo na nalulungkot si Mama sa mga oras na 'to.

Hinaplos ko naman sa pisngi si Mama habang nanlalabo pa bahagya ang aking mga mata.

"Mama, kahit hindi natin kasama si Papa ngayon, alam ko...at ramdam ko na, nandito siya ngayon sa paligid. Saka kahit kailan po, ay hindi siya mawawala sating mga puso." sabi ko naman kaya pati si Zyler ay napangiti.

"Yes, it's true Mama. That's why sometimes when I arrived here at Nueva Ecija, feel ko there's someone who keeps pinching my butt...baka soul 'yon ni Papa mo babe." biro pa ng loko-lokong lalaki na nakatayo ngayon sa gilid ko.

Binatukan ko naman siya kaya agad naman akong sinaway ni Mama. Nag-ngiting aso naman si Zyler kaya napairap ako at pinagkrus pa ang aking mga braso.

"Oh siya, kapag natapos na kayong manood diyan, pumasok na kayo sa loob para makakain na. Ihahanda ko lang yung mga plato," tinanguan ko naman si Mama kaya pinanood ko nalang siyang maglakad papasok ulit ng bahay.

Naiwan ulit kami ni Zyler dito.

"Babe, later huh?" pinaningkitan ko naman siya ng mata.

"Anong later? Walang later later sakin Zyler, matutulog ako agad mamaya." mataray kong sagot na nakapagpabawi ng ngiti niya.

"Kung makatulog ka." nakangising wika niya sabay tawa, nagawa pa niya akong yakapin ng mahigpit habang nasa kalagitnaan kami ng pagsalubong sa bagong taon.

Grabe, hindi ko talaga inaasahang mauuwi kaming dalawa sa ganitong yugto ng buhay. Wala din sa isip ko na magugustuhan at mamahalin ko siya pabalik, 'di ko alam kung saan nagmula itong nararamdaman ko para sa lalaking kayakap ko ngayon.

Halos tatlong buwan na din kaming magkarelasyon, at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil iniingatan niya kaming dalawa palagi. Kahit na may pag-aalitan, ay agad din naming nagagawan ng paraan.

"Babe," tawag niya sakin habang nasa mga bisig pa niya ako.

"Hmm?"

"Did you ever think about...marriage?" napaangat tuloy ako ng tingin sa kanya.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon