WARNING R-18!
READ AT YOUR OWN RISK. [- - ,]
~~~
Zyler's POV
"It's so funny right---" I stop for a moment when I saw Lilaine was already in deep sleep.
She was even holding a bowl na may laman pang junk foods, at nakasandal na yung ulo niya sa may sofa.
Pangatlo na kasi naming itong movie na pinanood. I checked the time and it was already 1:29 AM.
Inabot na pala kami ng madaling araw at masyado na kaming napasarap sa panonood dito sa kanyang unit.
Kaya lang naman ako nandun kanina sa tapat ng kanyang condo ay dahil sa alam kong uuwi siya kagabi galing Baguio.
Gusto ko lang naman siyang makita pero nauwi na kami sa ganitong eksena.
Kinuha ko na ng dahan-dahan yung hawak niyang bowl na naging sanhi ng paggalaw niya ng bahagya.
Niligpit ko na din yung kalat sa may center table bago ko ito tinapon sa trash can na nasa kitchen niya.
I even broomed the sala part because earlier, while we were watching, some of the junk foods was spilled in the floor.
She's so clumsy, damn.
Nang makita kong maayos na ang mga kalat ay sandali ko siyang pinagmasdan habang siya ay walang kamalay-malay na nakatulog na sa kanyang kinauupuan.
I crossed my arms while tracing every corner of her face. And I admit that she has this called...innocent awra.
And I can't believe that I already kissed every corner of it, fuck.
From her perfect shaped eyebrows, those glamor eyes that I saw every time she tries to stare at me, ngayon ko lang narealize ang natural beauty niya.
Kitang kita ko din ngayon ang hubog ng kanyang panga dahil nakatagilid bahagya ang kanyang ulo sa kanyang right side.
I also stare at her nose down to her enticing lips.
Hindi ko namalayan na bahagya na palang nakaawang yung labi ko habang nakatitig sa kanya, damn, stop this craziness Zyler.
Napaiwas nalang ako ng tingin saka lumingon sa pintuan ng kanyang kwarto. I walk towards it para kuhanan siya ng blanket or what.
Ayaw ko siyang buhatin papasok sa loob, baka mamaya ay kung ano na namang isipin niyang masama sakin, tss.
When I opened the door, the sweet-scented air welcome me here.
Naestatwa ako saking kinatatayuan at para akong naadik bigla sa amoy nito, oh fuck!
It's smells like a baby.
Napapikit ako ng mariin saka agad nilabanan itong nararamdaman ko. Dinampot ko na yung isang kumot kasama ng unan sa kanyang kama at dali-daling lumabas dito.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag at iiling-iling na nagtungo sa sala.
I placed the pillow properly, yung hindi siya mahuhulog saka ko siya dahan-dahang pinahiga sa may sofa. Hindi man lang ako hiningal sa pagbuhat dahil nga sa payat niyang pangangatawan.
Oh damn, should I make her fat?
Just kidding.
Binalot ko na din sa katawan niya yung kumot at nang maayos na ang kanyang kalagayan ay nagpunta ako sa may bintana para maisara ko na yung curtains nito.
Gusto ko sanang bumaba sa unit ko kaso parang pinipigilan ako ng sarili kong mga paa na umalis at iwanan siyang nag-iisa dito.
I inhaled a large amount of deep breath before sitting down on the floor...again.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
