Lilaine's POV
"Ano ba? Ayoko ngang pumasok Zyler, pakawalan mo nalang ako please?" nanghihinang sabi ko sa kanya habang pilit akong kumakalas sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sakin.
"Just go inside, Lilaine." ani niya gamit ang kalmadong boses ngunit bakas padin sa kanyang pananalita ang lamig.
Kanina pa kami nandito sa labas ng bahay niya dahil nga nagmamatigas padin ako at ayaw kong pumasok doon sa loob. Gusto niya lang naman daw akong kausapin pero ang hindi ko maintindihan kung bakit sa ganitong paraan pa?
Pilit ko pang pinigilan yung emosyon ko na lumabas kasi hindi ko nais na muli niyang masilayan ang pagiging mahina ko.
Binuksan na niya yung main door ng kanyang bahay, doon na niya ako binitawan at nilock ng ayos yung pinto.
I inhaled a large amount of deep breath before following him where he goes. Napakatahimik nung loob nitong mansyon at halatang walang katao-tao. Nasaan kaya si Lysandra?
"I'm the only one here, kasama ko lang yung isang maid dito." biglaang sabi niya na siya namang ikinagulat ko, paano naman niya nalaman yung iniisip ko?
Nagtungo siya ng kitchen kaya sinundan ko naman siya agad. Binuksan niya yung kanyang ref para kamuha ng isang pitchel ng tubig at magsalin sa baso. Akala ko naman iinumin niya 'yon, yun pala sakin niya iaabot.
Hindi ko mga lang tinanggap kaya nilapag niya ulit 'yon sa mesa.
Dumampot nalang siya ng isang beer na nasa lata, he opened it with just one hand. Napalunok pa ako nang makita kong ininom niya 'yon habang nakatitig sakin ng diretso. Napaiwas nalang ako ng tingin at nanatiling nakatayo dito sa may kusina niya malayo sa kinalalagyan niya.
"Did you just bring me here to watch you drink that beer?" sarkastikong tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Ofcourse not." maikling sagot niya at nakita ko naman sa peripheral vision ko kung paano niya nilapag ang hawak niyang lata, umupo siya doon sa isang stool na nasa kitchen island niya.
"Come here." utos pa niya kaya napataas naman yung kilay ko.
"Ayoko nga, saka pwede bang sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil nasasayang na yung oras ko dito. My daughter needs me Zyler, kaya palayain mo na ako." wika ko habang nakatitig sa kanya ng diretso.
Bigla namang bumlangko ang kanyang ekspresyon. Nagdilim ang kanyang paningin sakin kaya napaatras naman ako ng bahagya.
"Gusto mo nang maging malaya?" tumayo na siya saka humakbang papalapit sa kinatatayuan ko, wala naman akong naisagot agad sa kanya.
"Me too. After so many years...I badly want to let myself free from loving you, Lilaine." para naman akong nabingi sa sinabi niya, natulala ako kaya nakarating siya sa harapan ko nang hindi ko namamalayan.
"C-Can you please teach me how to do it? Can you p-please tell me how to forget those days na...nagkasama tayong dalawa?" nagsimula na namang mamula ang gilid ng kanyang mga mata.
Napaiwas ako ng tingin dahil hanggang ngayon ay hindi ko padin maatim na makita siyang umiiyak sa harapan ko.
"Because for me, to forget is not an option. It is never be an option and it will never be." nanghihinang dagdag pa niya.
Walang hiya talaga oh, bakit ba nagdrama nalang siya bigla sa harapan ko?! Does he have any idea na yung ganyang ginagawa niya ay pinapahina ako?!
Naiyukom ko nalang yung kamao ko para pigilan itong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
