Lilaine's POV
"Bye, Lilaaiinnee!" sigaw pa ni Patricia na ngayon ay may tama ng alak at pilit na ipinapasok ni Adrian sa kanyang kotse.
Nakailang paalam na kasi siya sakin pero hindi padin siya pumapasok sa loob para makauwi na, ngayon ko lang talaga nakitang malasing ang babaeng 'to.
"Babye---"
"Tama na, Ricia. Pumasok kana sa loob." lumayo naman ako sandali kay Lathan para tumulong doon na ipasok siya sa kotse, buti nalang at tuluyan nang nagpaubaya ang lasing.
Gulo-gulo na din ang kanyang buhok ng makita ko siyang nakahiga sa may backseat. Dinampot ko pa yung isa niyang heels dahil hindi na niya suot 'to, inabot ko naman 'yon kay Adrian.
"Ingat sa biyahe ah," paalala ko naman sa kanya na nasa kabilang parte na.
"Salamat, kayo din Kali. Mauna na kami," tumango naman ako sabay kaway, pinanood ko nalang na paandarin niya ang kotse palayo.
Hindi na ako magtataka kung malaman kong nakatira sa isang condo or village ang dalawang 'yon, sa laki ba naman kasi magpasahod ni Tiya ay talagang giginhawa ang buhay mo.
Pwedeng-pwede mo na bilhin ang kahit na anong gusto mo, basta may disiplina sa perang meron ka.
"Hmm, saan ka uuwi ngayon? Are you going back to Baguio or sa condo ka muna tutuloy?" tanong naman sakin ni Lathan.
Kami nalang kasi ngayon ang nandito sa parking lot, pansin ko na din ang bahagyang pamumula ng kanyang mukha dahil nakainom din ang isang 'to.
Pasalamat lang talaga ako dahil matino ko pa siyang nakakausap.
"Gabi na din kasi, siguro mas mabuti nalang kung uuwi muna ako sa condo. Ikaw?"
"Magbobook nalang ako ng Hotel malapit sa condo mo, para bukas, isasabay na kita pabalik sa Baguio." napatango naman ako sa sinabi niya.
Naglakad pa kami ng ilang metro para puntahan ang kanyang kotse. Pinatunog niya 'yon at bubuksan ko palang sana yung pinto nang marinig ko ang isang boses na nagmumula saking likuran.
"Lilaine," napaayos naman ako ng tayo nang makita ko si Zyler.
Napalunok ako saka nagbalik ng tingin kay Lathan na ngayon ay bahagyang nakakunot ang noo.
"Nandito ka pala?" lihim ko nalang na hinawakan ang kanyang pulsuhan, kinakabahan ako dahil baka mag-away na naman silang dalawa.
"Ofcourse, ininvite ako ni Madam since business partner sila ni Dad. But, he's out of the country kaya ako nalang ang pumunta." paliwanag pa nito sabay suksok ng dalawa niyang kamay sa suot niyang pantalon.
"But I didn't saw you earlier," ngumisi naman si Zyler sa sinagot ni Lathan.
"Why? Do I have to show at you all the time?" nakataas pa ang kilay ng loko habang nakikipag-usap dito sa katabi ko.
"I didn't say that...I was just surprised that you're here." pinagbuksan na niya ako ng pintuan matapos niyang sabihin 'yon.
"Let's go Lilaine---"
"No. She will come with me," bigla naman akong hinawakan ni Zyler saking kamay, napapikit naman ako sa ginawa niya.
Heto na naman po silang dalawa.
Pati ako ay nahihilo na dahil sa kanilang itsura ngayon. Hindi ko alam kung saan ako papanig.
"Pero ako ang kasama niya pumunta dito sa party, kaya ako lang din ang dapat na maghatid sa kanya---"
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
