A/N: Bilis 'no? Huminga kalang ng 0.1 sec. 6 years later na agad yung story, HAHAHAHA! Parang yung EX mo, ang bilis nakahanap ng bago...ops, sorry sadya.
Enjoy reading!
~~~
Lilaine's POV
"Then siguro pwede kayong maglagay ng pitong workers sa entrance nitong resthouse para sa guests na darating by next week, clear ba tayo diyan?" nakangiting tanong ko sa mga tauhan ko dito sa resthouse sa Tagaytay na siyang pinasa sakin ni Tiya Matisha limang taon na ang nakakalipas.
"Yes po Madam, noted lahat." agad naman silang sumagot, yung iba ay tumango at mas piniling manahimik nalang.
"Sige sige, back to work na. Thank you for your time." huling litanya ko pa saka tuluyang umalis sa kanilang harapan.
Sandali pa akong sumulyap sa wristwatch ko at halos lampas ng kalahating oras yung naging diskusyon namin tungkol sa event na magaganap next week dito sa resort.
May isa kasing nagpareserve nitong whole resort for their business something keme, kaya hinahanda ko lang yung mga workers ko sa kanilang gagawin. Para naman hindi mapahiya yung pangalan nitong resort sa kanila.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad pabalik saking opisina nang biglang tumunog yung phone ko na nasa pouch, napatigil ako saka tinignan kung sino yung tumatawag.
Awtomatiko akong napangiti nang mabasa ko yung pangalan ni Lathan sa screen nung cellphone ko, hindi dahil sa siya yung tumatawag, alam ko kasi na yung anak ko yung sasagot mula sa kabilang linya.
[ Mommy! ] bigla namang guminhawa yung pakiramdam ko nang marinig ko ang boses ni Xy na limang taong gulang pa lamang, naalala ko na malapit na pala ang kanyang birthday.
"Hello baby! How are you today?" magiliw kong tanong saka tinuon ang atensyon ko sa tanawin na nasa gilid nitong daraanan ko patungong opisina, kung saan kitang-kita dito ang iilang bulubundukin na malapit na sa taal lake.
[ I missed you Mommy, k-kailan ka po uuwi dito? ] sabi niya gamit ang mahinang boses, hindi tuloy mawala-wala sa labi ko ang isang matamis na ngiti.
Parang gusto ko na tuloy lumipad na para makabalik na ng Manila at nang makasama ko na yung anak ko.
"Sa weekend baby, don't worry papasyal tayo nila Daddy pag-uwi ko diyan, okay? Just wait for me." unti-unti tuloy bumigat ang pakiramdam ko nang maalala ko yung sitwasyon naming dalawa ng anak ko.
Gustuhin ko man kasi siyang makasama ng matagal ay hindi ko magawa dahil nga sa trabaho ko dito sa Tagaytay, kaya ang nangyayari ay naiiwan siya kay Lathan na kinikilala niyang Daddy sa ngayon.
Kampante naman yung loob ko kasi nasa kanya yung anak ko at malakas ang paniniwala ko sa kanya na hindi niya sasabihin ang totoo kay Xy pati kay Zyler hangga't sa wala akong pahintulot.
Si Mama kasi ay nasa probinsya ulit ngayon at inaasikaso yung simpleng negosyo namin na pinundar ko para sa kanya. Pagkatapos kasi ng ilang taong pag-iipon ko ay napagdesisyunan kong magtayo ng convenience store na pwedeng pagkakitaan ni Mama.
Kailangan ko pa kasing kumayod para sa pagpapatayo namin ng sariling bahay sa lote na binili ko na nasa Marikina. Pansamantala muna kaming nasa bahay ni Lathan, magmula kasi nang manganak ako ay umalis na ako doon sa condo na binigay sakin ni Tiya.
Pero hindi ko 'yon binenta o kung ano, sadyang wala lang talagang nakatira.
[ Really po? ]
![](https://img.wattpad.com/cover/246511990-288-k128958.jpg)
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomantizmSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...