Lilaine's POV
Wala nang nagawa si Patricia kundi ang hayaan akong makapasok sa loob nung bahay. Sa sliding door ng dirty kitchen nalang ako dumaan para hindi nila mapansin yung pagsulpot ko.
But while I was walking towards it, there was a throbbing pain inside my chest. Unti-unti din akong binabalot ng kakaibang takot na sa tanang ng buhay ko ay ngayon ko lang siya naramdaman.
Talagang ganito yung takot ko kasi putang ina, anak ko yung nakasalalay sa ginagawa kong plano ngayon. Kung hindi agad kikilos yung pulis, pwes ako ang susugal para kay Xyline.
"L-Lilaine...feel ko hindi sindikato yung nagmamay-ari nitong bahay." napatitig naman ako kay Patricia habang nililibot niya ang kanyang paningin dito sa loob, masyadong malawak yung bahay kaya hindi ko alam kung saan nagmula yung putok ng baril.
"How can you say that?"
"Kasi tignan mo oh, ang laki-laki ng mansyon. Parang presidente yung nakatira tapos nasa village pa. Saka sa totoo lang hindi afford ng isang simpleng kidnappers ang ganitong klase ng lugar, puta, ano 'yon, nagbibenta sila ng kidney?" nagbaba nalang ako ng tingin at tahimik na sinang-ayunan ang sinabi niya.
Sabagay, sino ba namang nangunguha ng bata sa tabi-tabi ang titira sa ganitong klase ng lugar? And to be honest, they don't deserved to lived here in this type of house. They're just ruining the image of it.
Imagine, ang ganda ganda ng bahay mo tapos mangunguha kalang ng inosenteng bata? Ang ganda ganda ng tinitirahan mo pero yung ugali mo, nakakagago? Anong klaseng nilalang sila? Did they just exist to do some evil things?! Oh damn it, bagay lang sila sa hell.
Lihim kaming nagtungo ng living room, pero agad din kaming nagtago sa isang malaking vase nang mapansin kong may babaeng paparating.
Tindig palang niya ay halatang may kaya na at nadadaan sa pera ang bawat kagustuhan niya. While she walks towards the room, malakas na yung kutob ko na isa siyang model.
But I do not care, putulan ko pa siya ng paa diyan.
Akala ko madadaanan niya yung kinatataguan namin ni Patricia, ngunit umabot lang siya sa may center table. Doon niya dinampot ang isang itim na panyo at duct tape.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maaninag ko sa may malawak na sliding glass door ang nagpupumiglas kong anak na nasa garden area nitong mansyon, siguro kung didiretsuhin at iikutin mo 'yon ay makakarating kana sa gate.
Doon na dinaanan ng matinding kaba yung dibdib ko. I felt like my heart was going to pop out, fuck! My daughter!
Hawak siya ng mahigpit sa braso nung isang babae, bale dalawa na sila ngayon. Nakalagay sa may likuran ni Xy ang kawawang kamay niya na nakatali pala ng isang lubid.
Magulo na ang buhok niya at suot-suot padin niya yung damit nung huli ko siyang makita. Kahit na nandito kami sa loob ay dinig ko padin ang malakas niyang pag-iyak.
Her painful cries makes my heart more heavier. Ito palang yung naririnig kong matinding iyak niya mula nung isilang ko siya, lintek ang sakit!
Masakit makita na yung anak mo ay umiiyak pero wala kang magawa!
"Oh saan kana naman pupunta---" susugurin ko sana sila kasi kitang-kita ko kung paano nila piringan yung anak ko gamit nung panyong itim at lagyan ng tape ang kanyang bibig, ako yung nahihirapan sa sitwasyon niya ngayon!
Hindi ko na nagawang kumalma kaya naghalo-halo na yung emosyon saking dibdib. Pinagsamang poot at sakit ang nangingibabaw ngayon sakin.
"Kukunin ko na yung anak ko---" bago pa man ako makasigaw ay tinakpan na ni Patricia yung bibig ko at hinila paupo sa sahig.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
