Lilaine's POV
"Babe! Ugh, ang tagal mo diyan sa loob, what the hell are you doing?!" inis na sigaw ni Zyler mula sa labas nitong banyo.
"S-Sandali! Matatapos na ako dito," sagot ko naman habang nakatitig sa menstruation calendar ko.
Ayaw kong mag-isip ng kung ano pero kinakabahan ako kasi ilang araw ng delayed ang period ko. Tapos sumasabay pa itong kakaibang nararamdaman ko mula nang dumating kami dito sa probinsya.
"Fuck! Natatae na ako babe! Please?!" napalunok pa ako saka dali-daling nag-ayos ng sarili bago binuksan yung pintuan.
Halos mauntog pa ako sa marahas na pagtulak ni Zyler sa pinto. Naitikom ko naman ang bibig ko dahil halatang natatae na nga siya sa kanyang itsura.
"Oh damn Lilaine," paulit-ulit pa siyang nagmura kaya naglakad na ako palabas nitong pintuan at hinayaan siya doon magbawas.
Bagsak naman yung balikat ko habang naglalakad patungong sala. Tanghaling tapat pero heto ako at inaantok na naman, jusqo, ano bang nangyayari sakin?
Umupo ako saming botaka saka binuksan yung TV, kaso wala namang magandang panoorin kaya pinatay ko din agad 'yon.
"Anak?" napaayos naman ako ng upo nang tawagin ako ni Mama, tumabi pa siya sakin saka ako hinaplos sa buhok.
"Ayos kalang ba? Parang namumutla ka ah," kinabahan naman ako sa hindi malamang dahilan.
"A-Ah, eh ano Ma...puyat lang siguro 'to." palusot ko pa sabay hilot saking sintido, nahihilo na ako.
"Diyos ko Lilaine, puyat? Halos wala pa ngang alas-nuebe ay nasa loob na kayong dalawa ng kasintahan mo, tapos sasabihin mong puyat ka? Bakit? Ano bang ginagawa niyo bago matulog hah?" napanguso naman ako sa tinanong ni Mama.
"Mama naman, wala kaming ginagawa." pag-amin ko sa katotohanan.
Kung tutuusin ay ako pa nga ang unang natutulog kay Zyler, habang siya ay kung ano-anong kabaliwan lang ang kinukwento sakin hangga't sa makatulog nalang ako.
"Eh bakit ganyan itsura mo anak? Nag-aalala na ako, baka may sakit ka. Sabihin mo sakin para samahan kita sa doktor." alalang sabi niya kaya napaisip naman ako.
Dapat na nga ba akong magpacheck up? Pati kasi ako ay napapraning na at hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko sa mga lumipas na araw.
Sinamahan nalang ako ni Mama patungong kusina para pakainin ako ng prutas na at painumin ng tubig.
Kasabay naman ng paglabas ni Zyler sa banyo ang biglaang pagtayo ko sa upuan dahil naramdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko. Nanuot kasi bigla saking ilong yung amoy ng dalandan na kakabalat lang ni Mama.
"Babe!" tawag sakin ni Zyler at dinaluhan ako dito sa lababo.
Hinayaan ko lang na isuka ko lahat nung nakain ko kaninang umaga, habang patuloy na hinahagod ni Zyler ang likuran ko.
"Oh my god, a-are you okay babe?! D-Do you want to...go in the Hospital?" umiling naman ako agad bilang sagot sa kanya.
"Ito na nga bang sinasabi ko anak, dadalhin na kita sa Hospital! Pinag-aalala mo 'ko ng husto," natataranta pa si Mama habang inaabutan ako ng tubig.
Ininom ko 'yon habang dinarama ang pagtulo ng pawis ko mula sa noo.
"Babe---"
"M-Ma, Zyler...magpapahinga muna ako. Masama yung pakiramdam ko," nanghihinang sabi ko saka lumayo sa kanila.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...
