Zyler's POV
I was busy reading a book when my phone suddenly rang. Nagtaka naman ako nang mabasa ko yung name nung tumatawag, it was Madam Matisha, bakit naman kaya? Umayos ako ng upo saka nilapag yung librong binabasa ko na dati ay hindi ko naman ginagawa. I cleared my throat before answering her call.
"Hello?"
[ Zyler, are you busy? ] she asked me at nagtaka naman ako sa tono ng kanyang pananalita.
"Not really, Madam. Why?" napatingin ako sa wristwatch ko para icheck kung anong oras palang, 11:30AM.
[ Diba ikaw yung aattend mamaya sa party for your company? Am I right? ] napaisip naman ako bigla sa tanong niya.
"U-Uhm, yes po. Mamaya pang gabi 'yon ah." nakangusong sagot ko saka pinatong yung dalawang paa ko saking desk.
[ Okay, that's good to hear. And kaya lang naman ako napatawag sayo is because I just want you to know na yung pamangkin ko ang papapuntahin ko mamaya sa party. Gusto ko na ikaw yung magbantay sa kanya doon, meron lang akong emergency meeting--- ]
"W-Wait wait...masyado po kayong mabilis Madam. I can't understand what you're trying to say." dinig ko pa ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
[ Oww, sorry. I mean, si Lilaine yung aattend mamaya sa party for our representatives. At gusto kong bantayan mo siya doon kasi alam ko na ikaw lang ang may kakayanan na gawin 'yon. ] napaawang naman yung labi ko.
Biglang gumaan yung mood ko kasi after so many weeks magmula nang huli kong masilayan si Lilaine ay heto kami at muling pagtatagpuin sa iisang lugar.
Tang ina, naeexcite ako!
Pero dapat ay hindi mahalata ni Madam Matisha na gusto kong makita yung pamangkin niya, remained cold Zyler, ikalma mo yung nararamdaman mong gago ka.
"Ah, really? Okay po Madam." simpleng sagot ko kahit na ang totoo ay gusto ko nang magtatatalon sa tuwa, damn, nababakla ako ng wala sa oras.
[ You don't sound surprise huh? ] dismayadong sagot niya, if she only knew what am I thinking right now.
"Hmm, why should I be surprised Madam? Papabantay niyo lang naman siya sakin," gusto ko na tuloy bumilis yung oras para makita ko na siya sa party.
I wonder what will she looks like later. Oh my god.
[ I can't believe you, Zyler. Anyway, that's all I wanted to say. Basta ipangako mo sakin na yung mata mo mamaya ay nasa pamangkin ko lang hah? ]
"Sure Madam," pagkatapos no'n ay naputol na yung tawag, sandali pa akong natulala kasi hindi ko kayang paniwalaan yung narinig ko mula sa kanyang Aunt.
***
"Bakit ako na naman, Zyler?! You know what, you're a fucking liar! Sabi mo sakin last time nung humingi ka ng favor, bibilihin mo na yung dream car ko! Pero namuti na yung mata ko kakahintay, wala kapa ding binibigay sakin!" mangiyak-ngiyak na sumbat ni Lucelence sa harapan ko.
Walang hiya talaga 'to, ang dami naman niyang pera bakit hindi siya ang bumili ng gusto niya?!
"Last nalang 'to bro, please? Sasamahan mo lang naman yung matanda para makalapit ka kay Lilaine. Mauuna kalang naman doon sa party eh," pakiusap ko pa habang hawak-hawak ang kanyang kamay.
"At ano na namang kapalit nito hah?"
"Oo na gago ka. Tommorow afternoon, sunduin mo ako sa bahay. Samahan mo ako at bibilhan na kita ng kotse." ngumisi naman siya at walang sabi-sabing hinalikan ako sa pisngi, tang ina?!
![](https://img.wattpad.com/cover/246511990-288-k128958.jpg)
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...