CHAPTER 46 - WIFE

850 26 2
                                        

Lilaine's POV

I just drink the last glass of black label and I felt like my head was spinning so fast. Pabagsak ko pang nilapag yung baso saka pinakiramdaman yung sarili kong liyong-liyo na sa alak.

Pinilit ko man kasing tumanggi sa mga taong kasama ko dito ngayon sa table kaso sadyang mapilit sila na mag-inom kami dito. Medyo naiilang pa nga ako kanina kasi hindi naman ako sanay makipag-inom sa mga taong 'di ko naman kakilala.

"What now, Lilaine? Kaya pa?!" natatawang tanong ni Ynah sakin na kakakilala ko lang ngayon, hindi ko na din siya masyadong maaninag dahil nga sa nanlalabo kong paningin.

Napakagat nalang ako saking labi saka marahang tumango, doon ay narinig ko ang sigawan nila sa gitna ng malakas ng tugtog na bumabalot sa paligid, nagmukha na tuloy bar itong venue.

My body's temperature was getting higher because of the liquor that I kept drinking this time. Feel ko tuloy ay wala na ako sa tamang kaisipan.

Nagawa ko pang sumulyap sa screen ng phone ko and it's already 11PM since I arrived here at the party. Oh demi god, I badly want to go home now.

Sinubukan kong tumayo kahit na pakiramdam ko'y umiikot ang paligid ko. Nagawa ko pa talagang damputin yung mga gamit na nakakalat sa harapan ko bago tuluyang nagpaalam sa kanila.

"J-Joke lang pala...y-yung sinabi kong k-kaya ko pa. To be honest...a-ayaw ko na." utal-utal kong sambit sa harapan nilang lahat, double meaning huh?

Napangiti nalang ako habang nakapikit pa yung both eyes ko, conyo ako ba't ba? Walang papalag.

"S-Shore...shore on the boat." wala ako sa sariling natawa sa narinig kong sinagot sakin ni Ynah.

"Hatid na kita." pinilit kong dumilat para tignan kung sino yung biglang nagsalita, si James pala na kanina ko pa napapansin ang kakaibang tingin niya sakin.

But I'm not that judgemental sa kanya, I was just kinikilabutan to him. Okay, baliw kana Lilaine.

Naramdaman ko naman yung kamay niyang dumampi sa braso ko, may halo pang haplos yung ginawa niyang 'yon.

May mga sinasabi pa yung tao sa paligid ko pero hindi ko na 'yon naintindihan dahil bigla nalang akong hinila palayo ni James doon sa table namin. Halos magkandarapa pa ako sa bilis niyang maglakad.

"A-Aray, sandali---" naputol yung sasabihin ko nang may isa pang humawak saking braso, ramdam ko naman sa hawak niya ang gigil.

Hindi ko na magawang dumilat o tignan kung sino yung aning na nakisali sa eksena ngayong gabi.

"Let her go, asshole." sabi niya kay James pero 'di ko makilala kung sino yung nagmamay-ari nung boses na 'yon, parang lasing na ewan, suntukin ko kaya 'to.

"Why should I do that, Zyler?" lintek, sinong Zyler naman ang tinutukoy nito?! Wala akong kilalang ganon, ayaw ko sa kanya kasi I don't know him, duh!

"Is she your girlfriend or what?" dagdag pa niya kaya hinarap ko naman yung sinasabi niyang Zyler habang nakapikit, dinuro ko pa siya gamit ang isang daliri.

"H-Hoy, kung sino ka mang...aning ka, ikaw ang bumitaw sakin. I don't fucking know you pre, lumayo ka nga, letcheng 'to!" sumasakit na yung ulo ko sa kanilang dalawa.

Sinubukan kong kumalas sa hawak niya pero sadyang malakas ang kapit niya sakin.

"Lintek, hindi ka bibitaw?! Tuko kaba hah?! Tuko?!" inis ko pang tanong ngunit napasinghap nalang ako ng buong lakas niya akong hilain palayo kay James.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon