CHAPTER 26 - ALWAYS

1K 21 2
                                        

Lilaine's POV

Kanina pa ako hindi mapakali at hinihintay ang pagdaan dito ni Lathan sa baba. Hindi ko naman sinabi sa kanya na mag-uusap kami, pero gusto ko lang siyang makita dito at sabihin ang nararamdaman ko.

Ilang linggo na kasi akong binabagabag ng konsensya ko, gusto ko na siyang tumigil sa ginagawa niyang panliligaw sakin. Sinasaktan niya lang ang sarili niya.

Siguro'y ito na din ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang totoo, nais ko na kasing matanggal itong batong nakadagan sa dibdib ko gabi-gabi.

Sa bawat ginagawa niya kasi bilang parte ng panliligaw niya sakin ay wala akong ibang maramdaman kundi ang pagsisisi.

Malinaw na kasu sa isipan ko na hindi kami parehas nang nararamdaman, at yun ang gusto kong malaman niya. Wala din naman kasi akong ideya kung napapansin na niya ang kakaibang kinikilos ko sa tuwing nariyan siya.

Sana naman aware siya sa mga nangyayari, ayaw ko na siyang pahirapan pa.

Nabalik lang ako mula sa malalim na pag-iisip nang mahagip ko siyang naglalakad patungong coffee machine.

Agad lumukob sa sistema ko ang kaba at sa hindi malamang dahilan ay hindi ko agad naigalaw ang kahit na anong parte ng katawan ko.

Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay naaawa ako, at the same time ay gusto ko na siyang magising sa katotohanan. Hindi lang naman kasi siya yung nasasaktan, kundi pati ako.

"Bianca," tawag ko naman sa kanya na ngayon ay abala sa pagsusulat sa logbook, may isang baso pa ng kape ang nakalagay sa gilid niya.

"Oh? Bakit?" binitawan naman niya ang hawak niyang ballpen saka ako hinarap.

Sandali pa akong natulala dahil hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko o gagawin kong excuse sa kanya.

Ayaw ko naman kasi siyang mag-isip ng kung ano kapag sinabi kong kakausapin ko si Lathan.

"U-Uh, pwede bang...puntahan ko muna saglit si Sir Lathan? May...s-sasabihin lang ako sa kanya," napangiti naman siya sakin.

"Aysus! Akala ko pa naman kung ano, go na girl. Ako na muna bahala dito, wala pa naman masyadong guests." tinapik pa niya ako saking balikat.

"Salamat, salamat ng marami Bianca." tinanguan niya naman ako kaya dali-dali akong umalis sa front desk para lapitan si Lathan.

Buti nalang at hindi pa napupuno ang kanyang baso.

"S-Sir," pag-agaw ko sa atensyon niya, agad naman siyang napalingon saking kinatatayuan.

Ang kaninang pagod niyang itsura ay biglang umaliwalas nang makita ako dito, mas lalo pa tuloy dumagdag ang bigat sa kalooban ko.

"Lilaine, uhm, do you need something?" nakangiting tanong niya sabay dampot doon sa baso na napuno na.

Tinitigan ko naman siya sa kanyang mata, at habang nakatitig ako doon ay hindi ko maiwasang maguilty.

Kulang kasi ang salitang tanga sa isang tulad ko. At alam ko na pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat ay wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.

Hindi ko na kasi maatim na hayaan siya sa panliligaw sakin, gayong nariyan si Zyler na patuloy akong binabakuran at inaangkin na para bang isa akong bagay na dapat sa kanya lang.

"May gagawin kapa ba?" basag naman ang boses ko ng muli akong magsalita.

Sandali pa siyang napaisip bago umiling.

Staggered Love | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon