Lilaine's POV
[ Sorry Hija if hindi na kita maihahatid sa terminal, you know I'm super busy sa office. Pero iabot mo nalang sa Mama mo yung pinaabot ko hah? ] paalala naman ni Tiya Matisha mula sa kabilang linya.
"Opo Tiya, saka ayos lang po kahit hindi niyo na ako ihatid, kaya ko naman na po." natural ko namang sagot habang zinizipper yung maleta ko na puno ng damit na kasya lang para sa dalawang linggo.
Siguro babalik din ako dito sa Taguig pagkatapos ng bagong taon. Kaya tamang-tama lang yung pinaalam kong bakasyon kay Tiya.
[ Okay okay, so I'll gotta go na Lilaine. Mag-ingat ka sa biyahe hah? I love you anak. ] napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Salamat po Tiya, mahal ko din kayo." pagkatapos nun ay binaba na niya yung tawag.
Chineck ko pa yung percentage ng battery ng phone ko, baka kasi biglang malowbat sa kalagitnaan ng biyahe, mahirap na.
Nilagay ko na sa handbag yung phone ko at sandaling tinignan kung ayos naba lahat ng dadalhin kong bagahe.
Si Zyler naman daw ay papunta na dito, nagpresinta kasi na siya na daw ang maghatid sakin sa terminal. Gusto man niya akong samahan pauwi pero madami pa daw siyang gagawin sa opisina.
Hindi ko naman siya sinabihang isasama ko siya, napakailusyonado talaga ng lalaking 'yon, tsk.
Tumingin ako sa orasan at ala-sais na ng hapon. Sakto lang din yung biyahe papuntang Cubao terminal. May nagdoorbell na sa may pinto, paniguradong si Zyler na 'to.
Binuksan ko na yung pintuan at nalaglag nalang yung panga ko nang bumungad siya na bihis na bihis at may isang maleta na hawak niya na nasa kanyang gilid.
Hindi ako agad nakapagsalita at wala sa sariling tinuro siya. Nakangiti siya sakin bago ako hinalikan sa pisngi.
"Sama ako sayo, babe." ngumuso pa talaga siya sakin.
"A-Akala ko...ihahatid mo lang ako doon sa terminal?" tanong ko pa saka tuluyan siyang pinapasok dito sa loob.
Nakasuot lang siya ng maong na pantalon at plain black shirt. May suot pa siyang sumbrero na nakabaliktad, jusqo, nakakalaglag puso ang kanyang itsura.
B-Boyfriend ko ba talaga siya? Mukha kasing hindi kapani-paniwala eh.
"Papayag ba akong uuwi ka mag-isa doon? Saka, gusto ko na ding makilala sa Tita." ginilid niya muna ang kanyang maleta saka ako muling hinarap.
"Ayan na lahat yung dadalhin mo pauwi?" tinuro pa niya yung mga bagahe na noong nakaraang araw ko pa sinimulang iligpit.
"Oo, saka padala din ni Tiya yung iba diyan." sagot ko naman saka humarap sa salamin para itali yung buhok ko.
Napakunot naman yung noo ko nang mapansin ko si Zyler na pinanonood yung ginagawa ko. Nakahawak pa talaga siya sa kanyang labi.
"Ano namang tinginan 'yan, Zyler?" natatawang tanong ko kaya lumapit naman siya sa likuran ko para mayakap ako.
"Wala, ang sarap mo lang kasing pagmasdan babe." malambing niyang sagot sabay halik saking balikat.
Napangiti nalang ako saka pinagpatuloy yung ginagawa ko. Natapos ko 'yon ng nakapulupot padin siya sakin. Humiwalay na ako saka siya hinarap muli.
Akmang hahalikan niya ako ng pigilan ko na siya.
"Baka maiwanan na tayo ng bus, Zyler." napapikit naman siya saka tuluyan akong nilayuan habang nakangiti pa.
BINABASA MO ANG
Staggered Love | Completed
RomanceSelf-Published under KPubPH Note: You may encounter some mature scenes in this story. Please, read at your own risk. [ R-18 ] Full of typo grammatical errors. Cringe. ~~~ Paano kung makatagpo ka ng isang taong may magkaibang personalidad, ugali at...