Chapter 62: Welcome Back

2.3K 111 44
                                    

FUCHSIA KARMA P. O. V



"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Berrica sakin. Tumango lang ako at sinarado na ang maleta ko. Hapon na pala at linggo ngayong araw.



Alam niyo naman siguro kung bakit ako nag aayos ng damit. Ngayon ang araw ng pagbalik ko sa impyerno. Kung saan ako lumaki, kung saan ako nagmula at kung saan ako nahihirapang lumanghap ng hangin. Tsk.



"Ms. Williams kailangan niyo na pong umalis." sabi ng bodyguard ng magaling kong ama. Tumayo na ako at tiningnan si Berrica na may namumuong luha sa kanyang mata. Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap niya.




And now she's crying like a baby. I can't help but to hug her.




"Nag aaalala ako...." mahinang sabi niya. Hinagod ko ang likod niya para tumahan.




"Bakit?" tanong ko.




"Kasi alam ko yung mangyayari sayo kapag bumalik ka dun. Alam kong mahihirapan ka...at hindi ko kayang makita kang nahihirapan..."humahagulgol na siya kaya hindi ko maiwasang mapangiti.



Iba pala ang pakiramdam kapag may taong nag aalala sayo. Hinalikan ko ang buhok niya at ginulo ang buhok niya bago ako lumayo sa kanya.




"I'm fine okay? Don't worry about me, worry about yourself and your feelings."nakangiting sabi ko. Hinampas naman niya ako at pinunasan niya ang luha niya. Inayos ko ang buhok niyang gumulo dahil sa pag iyak niya.



Iyakin talaga.


"Aalis na ako. Mag iingat ka dito. Lagi kang magdouble lock, kapag maliligo ka wag kang magmamadali para hindi ka matisod. Wag puro prito ang lutuin mo. Try to cook vegetables for your health."nakangiting sabi ko sa kanya. Mas lalo ko yata siyang napaiyak.




"Mamimiss kita Fuchsia....alam ko hindi na tayo makakapagcontact dahil itatago nila ang cellphone mo...alam ko ilalayo ka nila samin...sakin...kaya nalulungkot ako. Nasasaktan ako....para sayo...para samin...bakit ba kasi kailangan bumalik kapa..."naiiyak niyang sabi. Ngumiti lang ako at ginulo ang buhok niya. Tumayo na ako at kinuha ang maletang handa ko ng dalhin.




"Wag mo kong alalahanin. Yung bilin ko wag mo kalimutan. Don't worry I have ways."ngiting sabi ko at kinindatan siya. Ngumuso lang siya habang pinunasan ang luha niya. Hinawakan ko na ang maleta ko at nagsimula ng maglakad. Lumingon pa ako muling sa kanya at nakita kong umiiyak na naman siya. I mouthed 'i love you' to her bago ko siya talikuran.




"Kami na po ang magbuhat jan."sabi ng isa pang guard. Hindi na ako nagsalita at iniwan sa kanila ang maleta ko. Nagsimula na akong maglakad at kada lakad ko tinitingnan ko ang buong condo room ni Berrica.




Dito ako nakahinga ng maluwag. Itong lugar na ito ang hindi ko kakalimutan. Lumingon ako sa veranda at napangiti ng maalala ko kung saan kami nakapag usap ni Diablo ng hindi nagsisigawan.




Tuluyan na akong lumabas ng condo unit ni Berrica. Dumiretso ako ng elevator at halos mairita ako sa limang body guards na nakasunod sakin. Nang makarating na kami ng baba naglakad na ako at nakasunod sila. Mula sa labas nakikita ko na ang mahaba at magarang limousine. May anim na body guard na nakasuot din ng tuxedo, tig tatlo sila sa helera at magkabilaan. Ang isang guard ay pinagbuksan ako ng pinto.




Maraming napapatingin samin pero hindi ko na yun pinansin. Pinikit ko na lang ang mata ko pagkasara ng pinto.



Tahimik ang buong byahe hanggang sa makarating kami sa mansion. Isang malaki, mahaba, mataas at may tusok na gate ang bumungad samin.


My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now