Chapter 72: Changes Of Them

2.2K 112 37
                                    

NIKSON AMEZER P. O. V



"San ka galing?"bungad sakin ng papa ko pag uwi ko galing kela Amethyst.


"Nag night over lang po ako kela Diablo."nakayukong sabi ko.

"Di ba sinabi ko na sayo na wag kang makikipagkaibigan dun sa mga Johnson?!"madiing sabi niya sakin.

"Pasensya na po pa. Hindi niyo naman po maaawat ang pakikipagkaibigan ko sa kanya dahil magkababata kami." magalang na sabi ko.

"Kahit na Nikson!"napapikit ako ng sigawan niya ako.

"Pa hindi po pwedeng dahil magkalaban ang business niyo sa business natin ay kalaban mo na sila sa totoong buhay. Wag niyo po sana akong itutol sa pakikipagkaibigan ko sa kanila."

"Bahala ka. Wag ka lang makikipagrelasyon sa anak nila, yan lang ang masasabi ko sayo."seryosong sabi niya. Hindi ako nakasagot at nanatili lang akong nakatingin sa baba.

"Nikson nakauwi kana pala? San ka galing?"napalingon ako kay mama na naglalakad pababa ng hagdan. Ngayon ko lang napansin na nakaformal silang suot ngayon. Wala naman silang work pag ganitong araw.

"Kela Diablo po. San po kayo pupunta?"tanong ko kay mama dahil nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ng marinig niya ang pangalan ni Diablo.

"Aalis tayo ngayon anak."

"P-po? Saan po?"nagtatakang tanong ko.

"Kailangan mo ng makilala ang taong gusto naming mapangasawa mo."nakangiting sabi ni mom. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Itutuloy pa nila yun? Ang tagal na naming hindi napag usapan to.

"Ma, akala ko ba hindi na matutuloy to?"

"Nikson, kailangan natin to. Kailangan nila tayo, kailangan din natin sila."

"Pa wag naman. Hindi pa ako nakakapagtapos ng pag aaral."

"Nikson." malalim at seryosong tawag niya sakin. Napayuko ako at kinagat ang labi ko.

I'm sorry Amethyst....

"Alam naming hindi mo kami ididissapoint ng papa mo. Parehas kayong nasa legal age ng mapapangasawa mo. Paggraduate niyo ng highschol dun na kayo ikakasal."sabi ni mama at hinawakan ang kamay ko.

"Kaya magbihis kana ngayon dahil ngayon niyo na makikita ang isa't isa."seryosong sabi ni papa at naglakad na palayo samin. Hinarap ako ni mama at hinawakan ang pisngi ko.

"Wala ka namang girlfriend anak kaya alam ko magugustohan mo din siya. Maganda siya, at mabait na anak. Bagay na bagay ka sa kanya."nakangiting sabi ni mama.

"Ma....may girlfriend ako...."nakatingin ako sa kanya habang sinasabi ko yun. Tiningnan niya ako at gulat ang kanyang mukha.


"Sino?"seryosong tanong sakin ni mama. Kinagat ko ang labi ko bago mag salita.


"Si Amethysts po."napayuko ako ng sabihin ko yun.

"Anak nila Appizix Johnson?"

"Opo."lumayo siya sakin.

"Hiwalayan mo na siya ngayon."seryosong sabi niya sakin. Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Mama...hindi ganun kadali yun. Nagtagal din kami...."


"At sinekreto mo pa samin?! Kailan ka pa natutong mag sekreto samin ha?! Hindi ba sinabi ko na sayo na hindi ka pwedeng mag girlfriend dahil alam mong iaarrange marriage ka namin pagdating ng panahon?!"galit na sabi niya sakin.


My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now