Chapter 87: Street Foods

2K 105 99
                                    

DIABLO CODY P. O. V

"A-Ano?"


Nanlaki ang mata ko ng sabihin niya yun sakin.


"Karma? D-Diaper?"nagtatakang tanong ko. Hindi ako nakakarinig ng kahit anong ingay mula sa loob.


Teka? Nahihiya ba siya?


Sabagay kahit ako naman mahihiya kasi Diaper eh. Eh diba sa bata yun ginagamit?



"Sige bibili ako nun. Wait mo ko dito ha? Jan ka lang."sabi ko sa kanya at nagmadali ng bumaba. No choice na ako kung hindi bumili mukhang nahihiya yun si Karma sa sinabi niya.


Seryoso Diaper?


Habang naglalakad ako bigla kong nabangga si Berrica na may buhat na pagkain.


"Aray--Oh ikaw pala? San punta mo? Kamusta si Fuchsia sa taas?"tanong niya.


"Okay lang naman. Bibili ako eh."

"Huh ng alin?"

"Eh kasi.... Meron siya ngayon..."nahihiya at mahinang sabi ko. Nanlaki ang mata niya ng sabihin ko yun.

"Sabi na eh! Kaya pala ang sama ng timpla ng mukha niya kanina."

"Oo nga, highblood nga eh ganun pala yun?"

"Oo. Sige na bumili ka na, hatid ko muna to."paalam niya at maglalakad na. Agad ko naman siyang inawat dahil gusto ko magtanong.

"Teka may tatanong sana ako."


"Ano yun?"

"Bakit Diaper ang pinapabili niya sakin?"

"D-Diaper? Wtf hahahaha sinabi niya yun sayo? Nakakahiya hahahahahahaha."natatawang sabi ni Berrica habang nakahawak sa tyan niya. Lahat ng estudyanteng nadaan ay napapatingin samin dahil sa tawa ng babaeng to. Para ba namang nakalunok ng mic.


"Ano tinatawa mo jan? Teka nga. Psst hoy!"lymingon ako sa likod ko para tawagin ang lalaking nakita ko kanina. Tumingin siya sakin at takang taka. Sumenyas akong lumapit siya sakin kaya ginawa naman niya.


"B-Bakit po?"kinakabahang tanong niya.

"Lumabas ka ng school. Treasurer ka diba? Kaya pwede ka makalabas."


"O-Opo."


"Bilhan mo ako ngayon, ng Diaper, lahat ng klase ng Diaper okay? Yung malaki-" naputol naman pagsasalita ko dahil sumingit si Berrica.


"Wag malaki. XL lang bilhin mo."


"Kasya ba yun sa kanya?"


"Ginugupit niya kasi yun. Sige na pabilihin mo na yan baka uminit pa ulo nun ni Fuchsia."


"Ito dalawang libo kasama na jan panggas mo. Bilis." utos ko sa kanya. Nagmadali naman na siyang maglakad palayo samin.


"Bakit nga pala Diaper yun?"tanong ko ulit.


"Alam mo kasi malakas duguin yun si Fuchsia. Alam ko nakakadiri para sainyo ang itopic ang about REGLA pero dahil mapilit ka sasagutin ko. Yung babaeng yun, kapag nagkakaroon, mainitin ang ulo, hindi nakikipag usap, laging nakadapa at gustong gusto ng mangga na may bagoong."kwento niya. Natahimik naman ako at napaisip dahil sa sinabi niya.



"So masakit pala ang nararamdaman ni Fuchsia ngayon?"



"Oo malamang. Baka gusto na nun umuwi at magpahinga. Tatamarin yun kumilos."


My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now