Chapter 100: Gun

1.8K 89 33
                                    

FUCHSIA KARMA P. O. V


"Anong meron ngayon?"tanong ko. Nagtataka akong nakatingin kay Denimic na halatang nagmadali pa dahil pawis na pawis.

"May nakapasok daw sa UW..... Nagkakagulo na dun at kailangan ka dun Lady Black..... Sa ngayon si King na ang..... pinupunterya ng mga taong pumatay kay Hairus."hinihingal na sabi niya. Agad akong napatayo at dali daling kinuha ang coat kung itim at maskara. Hindi ko na kailangang tanongin si Denimic kung san siya dumaan dahil alam ko namang sa veranda ko yun umaakyat.

Tulog ang mga tao ngayon sa bahay kaya okay lang na dito kami dumaan ni Denimic.

"Asan sila?"tanong ko. Ang pinupunto ko ay sila Lorde.

"Andun na sila para protektahan si King."

"Asan ang mga warriors niya?"

"Masyado silang marami kaya napabagsak sila. Sumama nadin sa Kaiser kahit hindi siya maalam sa mga ganun."

"Bakit niyo sinama yun?!"

"Magkakasama kasi kaming nag iinoman sa bar, saktong nabalitaan namin yun kaya nagmadali kami."

"Paano kung may mangyaring masama dun?!"

"Sorry po."

"Aissst!"nagmadali na akong maglakad para makasakay sa sasakyan ko. Pagkarating ko sa gate ay sumenyas ako sa guard na manahimik siya. Tumango naman siya bilang sagot at dali dali na akong nagmaneho.

Ilang minuto din ng makarating kami sa UW. Kitang kita ko ang pagkalat ng tao dun, kanya kanyang hawak ng baril. May mga sugatan, may mga nakahandusay at may mga tumatakbo. Inikot ko ang paningin ko sa itaas para hanapin kung saan nanggagaling ang mga putok ng baril. Kumunot ang noo ko ng may mapansin akong nakatayo sa pinakataas ng building.

Sniper...

"Lady Black baka tamaan ka!"sabi ni Denimic at hinila ako papunta sa likod niya.

"Ilabas mo ang baril ko. Ngayon na."seryosong sabi ko.

"Pero Lady Black bawal kang makipaglaban. Kami lang ang pwed--"

"Isa pang tutol mo sakin tatagos jan sa bungo mo ang balang ipapaputok ko sayo."malamig na sabi ko. Kitang kita ko ang pagputla niya, wala siyang nagawa kundi ang yumuko at dali daling tumakbo para kunin ang baril ko.

Lumapit ako sa isang lalaking sugatan sa gilid. Ito ang kalaban ni Kaiser sa Racing.

Jomari..

"Nasan ang ibang nagpaputok ng baril?"

"Hindi ko po alam Lady Black, sunod sunod na lang ang narinig ko na pagputok ng baril" nanghihinang sabi niya. Kita ko ang dugo sa kanyang tuhod. Nagulat siya ng pumunit ako sa damit niya.

"A-Anong gagawin mo?"hindi na ako sumagot at tinali ko na lang yun sa may taasan ng nabaril sa kanya.

"Asan na yung mga alagad ng amo niyo?" tanong ko.

"Sila D.O ba? Papunta na sila ngayon."

"D.O?"

"Yung isang kanang kamay ni Lady Red, yung may puting maskara lagi."

Diablo...

D.O.

"Pupunta siya?" kunot noong tanong ko.

"Yes."sagot niya.

Ano pang gagawin niya dito? Baka mapahamak lang yun tsk!

"Lady Black.."tumayo na ako ng nakarinig ako ng pagtawag sakin. Lumapit ako kay Denmic at inabot sakin ang Thompson M1921 Submachine Gun.

My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now