Chapter 94: No One Cares

2K 101 87
                                    

DIABLO CODY P. O. V


"Bumangon kana jan little bro."dahan dahan kong dinilat ang mata ko ng bumungad sakin ang mukha ni Amethyst. Nakatayo siya sa harap ko at mukhang kakarating niya lang ngayon. Agad akong napaupo at kinusot ang mata ko.


"Sarap ng tulog mo ha? Kamusta panliligaw mo kay Fuchsia?"tanong niya sakin.


"Ikaw kamusta kana? Bakit hindi ka nagpaparamdam sakin?"seryosong tanong ko sa kanya.


"Ano kaba. Busy lang ako."

"Busy? Kailan ka pa magiging busy dun Ame? Wala ka namang gagawin dun kundi maghohome study. Pwede mo namang sabihing umiiwas ka lang talaga."seryosong sabi ko at bakas ang inis sa boses ko.


"H-Huh? Ano ba yang pinag iisip mo? Hindi ako umiiwas no."


"Umiiwas ka. Wag ako ang lokohin mo."

"H-Hindi nga."

"Magsinungaling kana sa tanga, wag lang kay Diablo."

"Masama ba? Gusto ko lang naman m-makalimot...."

"Kaya pati ang kapatid mo ay iiwasan mo din?"

"Ito naman nagagalit ka ba? Sorry naman..."

"Hindi ako galit. Nag aalala lang ako dahil di mo sinasabi sakin yang problema at pinag dadaanan mo. Alam mo namang bawal kang magkimkim, yang sakit o galit. Dahil alam mo din sa sarili mong pwede mong ikamatay yang pagkimkim mo dahil may sakit ka sa puso diba?"


"I'm sorry...."

"Tsk. Nag abang pa ako kahapon sa pag uwi mo pero hindi ka dumating. Nagluto pa naman ako ng paborito mong pininyahang manok, napanis pa."


"Halaaa! I didn't know that! I'm so sorry!" nakayukong sabi niya. Umiling na lang ako at tumayo. Hinawakan ko ang balikat niya para mapatingin siya sakin.

"Kamusta na nararamdaman mo?" seryosong tanong ko.

"Okay ln-"

"Yung totoo."malamig na sabi ko.

"H-Hindi.... Masakit pa din..."

"Sabihin mo sakin lahat ng hinanakit kapag handa kana. Handa naman akong makinig basta hanggang bukas lang.."seryosong sabi ko at ginulo ang buhok niya. Dumiretso ako ng banyo para makaligo na dahil may P.E namin ngayon. Isang linggo na lang at magbabakasyon na kami.

Malapit na natapos ang ang taong ito, at kailangan naming taposin ang misyon namin. Maglilimang buwan na pala, limang buwan ko ng kilala si Fuchsia... Sa loob ng limang buwan sobrang daming nangyari...


Pero ang pinakagusto kong nangyari sa loob ng limang buwan ay ang mahalin ko si Fuchsia...


Isang pangyayari na kahit kailan ay hinding hindi ko pagsisisihan...


Natapos nako sa pag ligo at pag ayos ay dumiretso nako sa baba dahil naghihintay na sila dun. Ngayon lang kami ulit magsasabay kumain. Pagbaba ko ng sala ay wala si daddy.


"Good morning mom and Ame Where's dad?" bungad ko sa kanila at hinalikan ang pisngi ni mom bago umupo sa upuan ko.


"Nasa office niya sa kwarto. Magkausap sila ng daddy ni Fuchsia. Ngayon ko lang siya nameet sa loob ng ilang buwan ha. Hindi ko alam na magkakilala pala ang daddy mo at daddy ni Fuchsia."pagkwento ni mom sakin.

Napakunot ang noo ko ng sabihin niya sakin. Paano sila nagkakilala? Oo alam ko na kilala ang magulang namin parehas. Pero pinagtataka ko lang bakit sila nag uusap? Hindi naman sila ganun dati. At never ko pang nakita ang papa ni Fuchsia na kumakausap na kahit na sino sa kanila ni mom at dad.


My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now