Chapter 24: Rain

2.2K 84 1
                                    

DIABLO CODY P.O.V



"Oh bakit ka lumalapit? Mang aasar ka din?"inis na tanong ko kay Karma. Walang emosyon siyang tumingin sakin at nakacross arms. Sumadal siya sa may pader ng pool at pumikit. Tiningnan ko siya, sobrang amo ng mukha niya kapag nakapikit. Mukha siyang maamong maamong pusa.


"Are you done checking me out?"malamig na tanong niya pero bakas padin ang pang aasar. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya at tumingin sa harap.


"Hindi ah."pagtanggi ko. Naramdam kong gumalaw siya kaya napatingin ako sa kanya. Nakadantay ang siko niya sa may taas at pinatong niya sa palad niya ang sentido niya. Nakaharap siya sakin at siya naman ang tumititig sakin.


"A-anong tinitingin tingin mo jan?"nauutal na sabi ko kahit bakas ang kaba sakin. Naiilang ako dahil nakatitig siya. Bakit ba?


"Nagmahal kana ba?"out of nowhere she ask. Nanlaki ang mata ko at nakaawang labing nakatitig sa kanya.


"Hey I'm asking you."


"Huh? Bakit mo ba natanong yan?"tanong ko. Nagkibit balikat siya at ngumiti ng tipid.


"I just want to know if who is Via."sabi niya na siyang nagpakaba sakin at nagtaka. Pano niya nakilala yun? Biglang nag iba ang timpla ng mood ko, parang nakaramdam ako ng sakit sa dibdib.


"Pano mo siya nakilala?"walang ganang tanong ko.


"I heared you call that Via's name. That's why I'm asking."sagot niya.


"Tsk."yan na lang ang nasabi ko at umahon na. I don't like the topic. Nahihirapan lang ako. Umupo na ako sa upuan, kami lang ni Berrica ang andito dahil silang apat nasa pool malayo lang kaming banda kela Nikson.


"Bakit mo iniwan yun?"tanong ni Berrica. Nasa harap ko siya at lumingon sa gawi ni Fuchsia na ngayon ay nakikihalubilo kela Nikson. Katabi niya si Derik at nasa harap niya sila Nik at Ame.


"Wala. Nilalamig na kasi ako."pagsisinungaling ko.


"Ahh. Kamusta naman kayo?"tanong niya at nakangisi pa.


"Pwede ba magtigil kana sa kakaasar sakin jan sa kaibigan mong yan?"inis na sabi ko.


"Aww, hindi mo siya friends? Sakit naman nun samantalang sinasabi niya sakin na boy bestfriend kana niya. Ang bad mo naman."malungkot na ika niya.


Ano daw? Boy bestfriend niya ako? Nakaramdam tuloy ako ng guilty hindi kasi best friend ang tingin ko sa kanya. Argh! What am I sating?! Bestfriend lang hanggang dun lang Diablo!


"Wag ka ngang mag imbento."


"Totoo yun. Tinanong ko kasi siya kung anong tingin niya sayo, parang boy bestfriend kana daw niya. You know what? Swerte kana nga dahil kabilang ka sa bestfriend niyan! Alam mo bang hindi yan nakikipagkaibigan lalo na sa lalaki?!"inis na sabi niya. Nagulat naman ako bigla. Seryoso? Wala talaga? So ibig sabihin siya lang bestfriend ni Karma? Sabagay sino ba namang kakaibigan dun napakasungit nun!


So ibig sabihin din pala ay...


"So wala pa siyang nagiging boyfriend?"tanong ko. Nanlaki ang mata niya at napalunok.


"Hoy sagot! No boyfriend since birth siya ano?"tanong ko at nagkibit balikat lang siya.


"Tsk, walang magkakagusto jan ang sungit eh! Tingnan mo oh mukha pang maldita! Nakikita mo mukha ni Derik? Natatakot siyang titigan si Karma dahil mata oa lang mangangain na!"sabi ko habang nakatingin sa kanila. Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa gawi namin. At nagtama ang mata namin. At dahan dahang ngumiti....


Arrrgggg!!! Kakainis!


"Yeah mukha siyang masungit at palaaway pero kakaiba kapag ngumiti yan. Mukhang maamong tupa at walang kasalanan sa mundo. Tingnan mo nga namumula kana nginitian ka lang."natatawang sabi ni Berrica. Simaan ko siya ng tingin.


"Lul ganto ako kapag nakakainom."


"Ulul ka din namumula lang tainga mo kapag nalalasing hindi mukha. Papalusot kapa sablay pa!"iling na sabi niya. Bakit ko ba kinakausap to?!


"Wag mo na akong kausapin!"inis na sabi ko.


Kinabukasan, nagising ako sa tawanan mula sa labas. Dinilat ko ang mata ko at nakaawang ang pinto. Dahan dahan akong tumayo at napansin kong wala sila Nikson dito. Rinig na rinig ko ang tawa ni Berrica kaya malamang nasa labas veranda sila. Maganda ang view dun dahil taal volcano yun. Pumunta akong banyo at naligo na.


Pagtapos ko maligo, naabutan ko silang nakaupo dun.


"Good morning bro!"bati sakin ni Nikson. Tumango ako at umupo sa may gilid ni Fuchsia. Apat lang kasi upuan dito pero malaki nanan, magkatabi sa isang upuan si Nik at Ame. Tig isa naman si Derik at Berrica.


"Morning Karma."bati ko sa kanya


"Morning."sagot niya at dahil sanay na ako sa kanya hindi nako nagreklamo no.


"Ang daya! Ako tinanguan lang tas si Fuchsia may pa goodmorning ka?!"reklamo ni Nikson 


"Ulul. Di ko kayo bestfriend, tropa lang."sagot ko 


"Best friend?"tanong nitong katabi ko.


Aba! Tatanong pa siya eh ganun din naman turing niya sakin!


"Oo bakit aangal ka?"inis na tanong ko. Umuling naman siya at natawa.


"Highblood ka masyado ang aga aga."


"Nagugutom na ako."nakangusong sabi ko. Umiling naman siya at natatawa padin.


"Ano bang nakakatawa?"


"Mukha kang batang naghahanap ng gatas."natatawang sabi niya 


"Panget mo ."


"Oo na araw araw mo na pinaparamdam."iling na sabi niya.


"San niyo gusto kumain? Dito o sa baba? Magpapalagay ako ng table dito at padagdag ng chair."sabi ni Derik.


"Dito na para enjoy natin ang view."sagot ni Amethyst. Sumang ayon din kami. Habang hinihintay maluto ang foods namin nag usap lang kami. Hindi na naman nagsasalita si Karma at nakatingin lang sa view. Sobrang titig na titig siya at seryoso ang mukha niya. Pagtapos namin kumain nag aya na kami pumunta ng Picnic Groove. Medyo luma nadin ang ibang upuang bato dito pero okay nadin. Maganda ang view dito. May nakalapag na blanket at dun kami nakaupo. Umalis silang apat at mag iikot lang saglit. Naiwan kami ni Karma dito.


Ito na naman siya, tahimik at nakatingin na naman sa magandang view. Parang gusto niya na atang makipagtitigan sa taal.


Napapaisip tuloy ako kung anong iniisip niya.


"Ano iniisip mo?"tanong ko. Tumingin naman siya sakin at tumingin ulit sa harap.


"Nothing, i just love the view."ngiting sagot niya.


"Yes same, madalas kami dito eh."sagot ko.


"Me too. Dito na ako pinanganak."sagot niya kaya nagulat naman ako.


"We? Ibig sabihin marami kang alam dito?!"tanong ko. Umiling naman siya ngumiti pero ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Parang feeling ko anytime may tutulong luha sa mata niya. Naghintay ako pero wala. Ganun lang ang mata niya. Masyadong seryoso at nangungusap.


"Dito lang ako pinanganak pero di aki lumaki dito. Madalas lang ako dito noon."sabi niya kaya tumango ako.


"Do you know that... I don't know what is my favorite color?"sabi niya kaya nagulat naman ako.


"Huh? May ganun ba?"takang tanong ko. I just realize na ngayon lang kami nagkausap ni Karma ng ganto. Yung hindi nagsisigawan at hindi nagbabangayan. Ngayon lang kami nagkausap ng seryoso. Yung walang barahan? Nakakapanibago pero mas okay din dahil nasasabayan ko ang ugali niya.


"Yes."sagot niya.


"Bakit naman?"


"I don't know to. Wala akong favorite eh. Hmmm pinakagusto ko ang rainbow lahat ng kulay na nandon ay gusto ko."nakinig lang ako sa kanya. Habang nakatingin lang kami sa harap.


"Kapag tapos na ang ulan, lagi akong lumalabas. Para makita ang rainbow. Lagi akong ganun. Hindi ako aalis sa kinatatayuan ko habang walang rainbow na nagpapakita sakin."sabi niya. Di ko maiwasang hindi mapangiti. She's weird. But I find it cute. Para siguro siyang bata kapag nag aabang.


"That's why I love rain. Sabi nga ng kanta "There's a rainbow always after the rain."sabi niya ng nakangiti.


"Can I request?"tanong ko. Tuminfin naman siya sa akin ng nagtataka.


"What?"tanong niya.


"Can you sing that song for me?"request ko sa kanya. Natigilan siya at hindi muna sumagot. Ayaw niya ata. Hindi naman ako mag jajajudge kung bakit boses niya eh. Gusto ko lang marinig. Curious kasi ako. Napayuko na lang ako.


"Sige."sagot niya kaya napataas ulit ang tingin ko sa kanya.


"Talaga?"tuwang sabi ko.


"Oum pero..."


"Ano?"


"Kailagan ko ng gitara. Hindi ako sanay ng walang gitara "sabi niya kaya kumunot ang noo ko. Ang weird weird niya talaga! Pwede namang kumanta na lang!


Lumingon ako at naghahanap ng may hawak na gitara at sa sobrang swerte ko may nakita akong lalaking naggigitara sa gilid at may box sa harap niya. Lumapit ako dun.


"Excuse me sir."bungad ko. Napatingin naman siya sakin.


"Can I borrow your guitar? Papakantahin ko lg yung kasama kong babae."sabi ko sabay turo kay Karma na nakatingin din samin.


"Ah eh.."


"Don't worry I'm not a snatcher I could buy you a lot of guitar. Or bilhin ko na lang sayo to. Doublehin ko. Mapakanta lang yung babaeng yun."sabi ko sa lalaki. Nagulat naman siya sa sinabi ko at napatango.


"Magkano ba to?"tanong ko.


"Ahmm 3 thousands po yan sir."kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng 6 thousands. Inabot ko yun sa kanya at hindi na siya pinagsalita dahil tumakbo na ako pabalik kay Karma na nakunot ang noo.


"Anong ginawa mo?"tanong niya.


"Binili ko baka kasi isipin niya ninakaw ko."natatawang sabi ko.


"Tsk humiram kana lang sana."iling na sabi niya. "Nagsayang kapa."


"Hindi sayang no. Kahit i advance gift ko na yan sayo."ngiting sabi ko at umiling naman siya. Inabot ko sa kanya ang gitara. Kinuha niya naman yun at nagstart na magstrum, inaalam niya ang tono. Tinitingnan ko lang siya sa ginagawa niya 


"This is my first time singing and strumming a guitar after 1 year. So I can't promise that this would be good."sabi niya pero nanatili akong tahimik. Kahit panget man boses niya okay lang gusto ko lang namang ng sample eh!


Nagstart na siyang magstrum, nakayuko siya at nakatingin sa kamay nya. Nakatingin din ako sa kamay niya. Inangat niya na ang ulo niya at tumingin sa harap.


"Fallin' out, fallin' in..
Nothing's sure in this world no, no..
Breakin' out, breakin' in..
Never knowin' what lies ahead..
We can really never tell it all no, no, no..."

Tumayo ang balahibo ko sa boses niya. Parang huminto ang paligid ko at nawala ang lahat ng tao sa paligid namin. Parang kami lang na dalawa ang tao. Sobrang lamig at ang ganda ng boses niya. Hindi ko maiwasan humanga sa boses niya.


"But oh, can't you see..
That no matter what happens..
Life goes on and on..
So Oh baby, please smile..
Coz I'm always around you..
And i'll make you see how beautiful..
Life is for you and me.."


Hindi ko maiwasan mamangha at magulantang sa kanya. Nakapikit siya habang kumakanta. May emosyon ang kanyang boses at feel na feel niya yun dahilan para mapaganda ang pagkanta niya. Nakaawang labi ko. Sobrang sarap niyang panoorin.


"Life is for you and me
Take a little time baby..
See the butterflies color's..
Listen to the birds that were sent..
To sing for me and you..
Can you feel me..
This is such a wonderful place to be..
Even if there is pain now..
Everything would be all right..
For as long as the world still turns..
There will be night and day..
Can you hear me..
There's a rainbow always after the rain..."


Wala akong masabi sa ganda ng boses niya. Hanggang ngayon nakanganga padin ako habang pinapanood siya. Hindi ko alam kung malakas ba tama ko pero ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya. I'm so damn speechless.. Really speechless.


"Hoy.. Panget ba?"tanong niya.


"Huh?"tanong ko.


"Sabi na panget eh. Tagal ko nading hindi kumakanta at naggigitara."natatawang sabi niya.


"No! Hindi."


"Huh?"


"Hindi. Maganda ang boses mo kaya natulala ako. Grabe hindi mo sinabing may talent ka pala?"manghang sabi ko.


"Tsk haha bola."


Biglang may pumatak na tubig sa mukha ko kaya napatingin ako sa langit. Makulimlim ang ulap at mukhang uulan.


At tama nga. Biglang bumuhos ang ulan kaya napatayo ako. Hinila ko ang kamay niya Karma at tumakbo sa may silong.


Nilapag niya ang gitara sa lamesa at hinubad ang jacket niya.


"Hoy anong gagawin mo?"tanong ko.


"Maliligo ako. Sama ka?"aya niya sakin.


"Baka lagnatin ka."


"Magbabanlaw naman tayo pagtapos. Sige ako na lang."sabi niya at umalis na pero hinila ko ulit ang kamay niya.


"Sasama ako."sabi ko at ngumiti naman siya. This time siya na ang humawak sa kamay ko. Hinila niya hanggang sa makarating kami sa gitna.


Nakangiti siya habang dinadamdam ang ulan sa balat niya. Nakapikit siya.


She loves rain. Now I know. Ang ulan ang nakakapagpasaya sa kanya. Dahil pagtapos ng ulan, rainbow na ang susunod na gustong gusto niya. Hindi ko alam pero nakangiti ako habang pinapanood siya.


Nagulat ako ng bigla niya akong lagyan ng putik sa pisngi. What the. Tumawa naman siya habang pinunasan ang putik sa mukha ko 


"Ganyanan pala ha."natatawang sabi ko at hinabol siya. Para kaming batang naglalaro sa gitna ng ulan. Nagtatawanan. Naghahabolan. Nagkukulitan.


Hindi ko alam pero meron sa puso kong nagsasabing...


Sana hindi matapos ang ulan at manatili kaming ganto....

My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now