DIABLO CODY P. O. V
"Mauna na ako tol."putol ni Derik sa katahimikan. Tumango naman ako sa kanya habang pinapanood siyang naglakad papuntang sasakyan niya at umalis.
"Anong meron?" nagtatakang tanong ko kay Fuchsia. Seryoso ang mukha niya at nagkibit balikat.
"Tara na naghihintay na si Lolo."aya niya at nauna ng sumakay sa Lamborghini niya. Binosenahan niya ako kaya pumasok na ako sa sasakyan ko. Sinundan ko lang siya sa pupuntahan namin.
Ang daming pumapasok sa isip ko habang nagdadrive ako. Anong meron? Anong nangyari?
Gulong gulo ang isip ko at gusto kong kausapin si Nikson. Hindi ko namalayan na nasa parking lot na kami ng mall. Nagpark na ako sa tabi ng sasakyan ni Fuchsia. Huminga muna ako ng malalim bago bumaba.
Kinakabahan ako shit. Pagbaba ko nakatayo na si Fuchsia at nakasandal siya sa sasakyan niya habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa coat. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda niya. Wala talaga akong masabi sa babaeng to. Napakaperpekto.
Naglakad naman na siya at sumabay na ako.
"Bakit ba nagmamadali ka?"tanong ko.
"Nagugutom na ako Diablo."
"Tss. Bakit di ka kasi kumain ng marami kanina?"
"Nawalan ako ng gana."
"Asan na nga pala yung kaklase niyong si Kaiser? Hindi ko siya napansin kanina."tanong ko sa kanya.
"Bakit? Namiss mo ba siya?"nakangising tanong niya.
"Ulul ano tingin mo sakin bakla? Di oy!"
"Bakit mo hinahanap?"
"Masama? Close mo ba yun?"
"Hindi." maikling sagot niya.
"Hindi pa sa lagay na yun ah? Nakikipagtawanan ka sa kanya at feel na feel mo pa nga tapos sasabihin mong hindi close?!"inis na sabi ko sa kanya.
"Bakit nagagalit ka?"natatawang sabi niya.
"Hindi ako galit!"
"Eh ano? Nagseselos lang?"nakangising sabi niya. Natigilan ako sa paglalakad at gulat na gulat na nakatingin sa kanya. Lumingon siya sakin ng mapansin niyang napahinto ako sa paglalakad.
"Hoy. Bilisan mo."tawag niya sakin.
"Anong sabi mo?"
"Nagseselos ka sakin kasi close kami ni Kaiser."sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.
"Bwiset ka!"inis na sabi ko. Sumunod na ako sa kanya habang nakabusangot.
"Umayos ka andito na tayo."seryosong sabi niya. Andito kami ngayon sa tapat ng restaurant dito sa mall. Huminga muna ako ng malalim.
Ito na....
Naglakad na kami ni Fuchsia papasok, may mga waiter at waitress na sumalubong samin.
" Have you booked a table?"tanong ng babae sa counter. Umiling naman si Fuchsia.
"Mr. Williams. "seryosong sabi ni Fuchsia sa counter.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?