Chapter 79: FUCHSIA?!

2.3K 114 48
                                    

DIABLO CODY P. O. V



Nagising ako dahil sa pagyugyog sakin. Dahan dahan kong dinilat ang mata ko at bumungad sakin ang mukha ni Fuchsia na nakatayo sa harap ko.



"Good morning."bati niya sakin. Sobrang bilis ng pag upo ko at tiningnan siya.



"Gising kana?"tanong ko.



"Ay hindi. Kaluluwa ko to."pilosopong sagot niya."Nagugutom na ako."mahinang sabi niya at umupo sa sofa.



"Bakit hindi ka kumain kanina paggising mo? Sana kinausap mo mga katulong."sabi ko.



"Di ako feel at home."



"Sus! Wag kang mahiya!"



"Bilisan mo na jan."



"Dapat kumain kana eh. Sobrang gutom ka na ba?"



"Oo nga."



"Wait hilamos lang ako."sabi ko at tumayo na. Pagpasok ko aa banyo, naghilamos na ako at nagtoothbrush. Naabutan ko pa si Fuchsia na nagcecellphone.



"Anong gusto mong ulamin?"tanong ko.



"Kahit ano."


"Gusto mo ng bacon with egg? Ako magluluto."



"Marunong ka?"



"Oo naman! Ako pa ba?"



"Sige."sabi niya at tumayo na. Binuksan niya ang pinto pero inawat ko siya. Nagtataka siyang tumingin sakin dahil sa pag awat ko sa kanya.



"May naaalala ka ba sa nangyari kagabi?"tanong ko. Kumunot ang noo niya at nag isip.



"Wala. Nalasing siguro ako kagabi kaya wala akong maalala."sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya.


So hindi niya maalala yung sinabi ko sa kanya?


Tangina!



Ang malas ko!


Sino ba naman ang siraulo ang aamin sa lasing?!


"Oh anyare sa mukha mo? Parang lulukot na?" tanong niya. Napakurap ako at binitawan ang kamay niya. Ngumiti ako sa kanya saka binuksan ang pinto.



"Wala. Tara na nga."aya ko sa kanya. Lumabas na din siya ng kwarto ko, naramdaman ko na lang na nakasunod siya sakin. Pagpasok namin sa elevator, tulala siya.



"Ano iniisip mo?"tanong ko.



"Wala. Inaaalala ko lang yung nangyari kagabi."



"W-wag mo na alalahanin."sabi ko. Pagkarating namin sa baba dumiretso kami ng sala."Jan ka lang ha? Magluluto muna ako."




"Sasama ako. Papanoorin kita magluto."sabi niya.



"B-bakit?"nagtatakang tanong ko.


"Masama ba?"


"H-hindi naman hehe."sabi ko at naglakad na. Pagpunta sa kusina, kumuha ako sa ref ng bacon at egg.


"Manang may natira bang kanin kagabi? Isasangag ko kasi."tanong ko sa kasambahay namin.



"Meron sir. Ako na ang magluluto."pagpresenta niya. Umiling naman ako sa kanya.



My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now