FUCHSIA KARMA P.O.V
Nagising ako dahil sa bigat sa paanan ko. Dahan dahan kong dinilat ang mata ko at nagulat ako dahil hindi ito ang kwarto ko.
Nanlaki ang mata ko ng makitang katabi ko na si Diablo. What the fuck?! What thee!! Agad akong napatayo sa kama niya at tiningnan ang buong sarili ko. Nakasuot pa naman ako ng damit. Wala naman siguro siyang ginawa sakin diba?
Bakit magkatabi kami sa kama?! Npatingin ako sa sofa..
Dito ako natutulog kanina eh. Paanong nakarating ako jan? Impossible namang si Diablo dahil nilalagnat padin yan! Malamang nanghihina yan!
Napahawak ako sa sentido ko at napabuga ng malakas. Sana walang nakakita sa ganung posisyon namin. Fuck this life.
Tiningnan ko si Diablo na mahimbing na natutulog. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang noo niya. Sobrang taas pa din ng lagnat niya. Pinatay ko na ang aircon niya dahil nakabukas yun kanina pero mahina lang. Para naman pagpawisan to.
Lumabas na ako ng kwarto niya para paglutuan ulit siya ng may sabaw at kumuha ng gamot niya. Habang papalapit na ako ng kusina narinig ko na ang halakhak ni Berrica.
Andito sila?
Bigla tuloy akong kinabahan...
Wala naman siguro silang nakita diba? Tsk!
"Ow hi Fuchsia!"bati ni Nikson.
"Anong palang ginagawa mo dito?"tanong ni Amethyst.
"Oh andito na pala siya eh. Ang tagal mo naman sa taas."bungad ni Berrica. Magkakausap silang tatlo at wala si Derik.
"Kanina pa kayo?"tanong ko.
"Oo andito lang kami naghihintay sayo. Tagal mo naman? Akala ko ba may emergency kang pupuntahan? Bakit andito ka?"tanong niya. Tiningnan niya ako na parang hinuhuli sa katarantaduhan ng anak. Umiwas ako ng tingin at naglakad papuntang kusina.
Kaso nakabuntot parin pala siya hanggang kusina.
"Hoy."pagtawag niya sakin.
"Nasan si Derik?"tanong ko.
"May sinamahan. Bakit andito ka? Akala ko ba may emergency?"
"Sino naman kasama niya? Mas mahalaga pa kesa sayo?"tanong ko habang tinutulungan akong iabot ng katulog nila ang ingredients para sa sopas na iluluto ko sa kanya.
"Pwede ba Fuchsia?! Wag mo ibahin usapan! I'm the one who's asking here okay? So just answer me! Why are you here?! I thought it's emergencies! But why here?!"sunod sunod na tanong niya. Napaka ingay.
"Kakagising ko lang Berrica."pagbabala ko. Ngumiti naman siya ng hilaw at napakamot sa ulo. Alam niyang wala ako sa mood magsagot lalo na bagong gising ako.
"Eh kasi tinatanong ko lang naman."nakangusong sabi niya.
"Tsk. Binisita ko siya at inalagaan ko siya okay kana?"
"Kyaaaaahhh!! Really?! What the?! Bakit mo siya inalagaan?!"kinikilig at tuwang sabi niya.
"Guilty ako okay na?"
"Bakit nga?"
"Dahil sakin kaya nilalagnat siya. Tama na kakatanong."walang ganang sabi ko at nagluto na.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?