Chapter 9 Diablo's House

2.7K 100 1
                                    

FUSCHIA KARMA P.O.V


Nagising ako sa ingay, dahan dahan kong dinilat ang mata ko. Nakita kong naiwan kong nakabukas ang pinto ng kwarto ko.


Uminat ako tumayo na para pumunta ng banyo. Paglabas ko nakita kong nasa kusina si Berrica. Napansin niya siguro ako kaya lumingon siya sa gawi ko habang nakatayo sa harap ng ref niya.


"Ya! Good morning!!"bati ni Berrica sakin. Ang aga aga lakas ng boses.


"Ingay mo."


"Aww ang sweet grabe!"sarkastikong sabi niya kaya natawa na lang ako.

"Ano yang niluluto mo? Bakit ang dami naman yata?"tanong ko sa kanya.

"Ah ito, nakalimutan ko sabihin sayo kagabi kasi nakatulog kana sarap ng tulog mo eh kaya hindi ko nasabi---"

"Na?"

"Patapusin mo nga ako!"ngusong sabi niya.

"Daming sinabi pwede namang sabihin mo kung anong meron."

"Ito na po madam. Kasi po pupunta dito si Amethyst, sabado ngayon kaya nag imbeta siyang pumunta tayo sa kanila."sabi niya kaya natigilan naman ako sa pagkuha ng tubig sa ref.

"Gagawin natin dun?"tanong ko.

"Duh ganun ang bonding namin, may sariling gym sila dun at dahil tagtipid ako dun kami naggigym sa gym room nila tuwing sabado at linggo."pag explain niya sakin.

"Edi kayo na lang diko na kailangan."sabi ko sa kanya. Kaya humarap siya sakin at nakapameywang sa harap ko.

"Aba akala mo naman! Mag gym kana din para naman magkalaman ka!"

"Ayoko sabi eh."

"Sige na."

"Please?"

"Ayoko."

"So ganyan kana? Di mo na ako sasamahan? Ayaw mo na akong makasama?"pagdadrama niya sakin.

"Excuse me? Mag aapply ako kaya di ako makakasama sainyo gets mo?"

"Mag aapply ka? Para san?"takang tanong niya.

"Para mabuhay sarili ko malamang."

"Luh?! Bakit naman diba may tatay ka naman?"tanong niya kaya nawala ako sa mood natigilan naman siya sa sinabi niya sakin.

"Wala akong tatay."malamig na sabi ko at binalik ang tubig sa ref.

"S-sorry. Kasi naman eh, gusto mo para di kana mahirapan magwork dun ka sa coffee shop namin? O dun sa restaurant namin?"tanong niya sakin at bahid ang guity sa mukha niya. Naalala ko mayaman pala ang babaeng to kaya kayang kaya niya akong papasokin dun. Kelangan ko nadin magwork eh.

"Okay sige."tipid na ngiting sabi ko kaya nagulat naman siya.

"Hindi ka galit?"tanong niya

"Bakit ako magagalit?"natatawang sabi ko.

"Kasi nabanggit ko ang papa mo--"

"Enough."pagputol ko sa sinasabi niya.

"Yan oh kita mo nakakatakot ka magalit!"inis na sabi niya sakin.

"Ayaw mokong magalit diba? Edi wag mong banggitin ang lalaki yun okay?"sabi ko at dahan dahan naman siyang tumango.

My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now