FUCHSIA KARMA P. O. V
Nagising ako dahil sa alarm clock ko, dahan dahan kong dinilat ang mata ko at tiningnan ang orasan.
7:00am.
Bumangon na ako para maligo dahil may pasok kami ngayon at lunes na lunes. Pagpasok ko sa banyo ay naligo na ako. Sumasakit ulo ko dahil bitin pa ako sa tulog.
Ano bang nangyari kahapon? Pagtapos sabihin ni Diablo yun hindi na siya nagpakita at mukhang nahiya dahil sa pagsigaw niya. Sino ba namang siraulo ang aamin tas sisigaw diba?
Pero punong puno padin talaga ako ng tanong. Bakit niya ako nagustohan? Anong nagustohan niya sakin? Hindi ko alam. Pinikit ko ang mata ko at pilit inaalala ang nangyari nung gabing nalasing ako.
Ang tanging naaalala ko lang ay yung naligo na ako tapos....
tapos----
Tangina!
Nahampas ko ang pader ng biglang may pumasok sa isip ko.
"COME ON HORSEY!!"
"FASTER!!"
Tangina! Ano yun?!
Anong faster? Anong come on horsey?! Puta nadudumi na ba ang utak ko?!
Hindi naman kaya ni Diablo na mangyari yun diba? Wala naman diba? Shit!
Dinalian ko na ang pagligo dahil inaalala ko ang oras ng pagpasok ko. Pagtapos ko ay lumabas na ako para makapagbihis at mag ayos. Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto ko. Pagbaba ko ay nakita ko na silang kumakain. Maglakakad na sana ako pero..
"Anjan kana pala. Sumabay ka muna samin bago ka pumasok."sabi ni Mr. Frank.
"Sa school na lang ako kakain."walang ganang sabi ko, nakatalikod ako sa kanila at wala akong balak na lingunin sila.
"Kahit unti lang ang kainin mo para may laman ang tiyan mo."hindi ko alam kung malambing ba ang boses niya o ano. Magsasalita na sana ako para tumanggi.
"Apo sumabay ka samin."rinig kong boses ni Lolo. Napayuko na lang ako at huminga ng malalim bago humarap sa kanila. Nakatingin sakin sila saking lahat. Magkatabi si Zumi at ang nanay niya, nasa harap naman nila si Mr. Frank. Habang si Lolo ay nakatayo at kasunod niya si Lola.
"Sit down."seryosong sabi ni Lola sakin. Sumunod na lang ako at umupo sa dati kong inuupuan.
"Bakit jan ka nakaupo? Sobrang layo mo naman samin."sabi ni Lolo. Tiningnan ko naman ang upuan ko sa pagitan ng upuan nila.
"Po? Dito po talaga ang pwesto ko lolo, nasanay na po akong malayo sa kanila."seryosong sagot ko. Parang may kirot akong naramdaman dahil sa alaalang yun. Sobrang sakit at hirap ng pakiramdam na, parang out of place ka sa bahay na to. Siguro nakasanayan ko na din. Nasanay na siguro ako.
Tiningnan ni Lolo si Mr. Frank ng masama napayuko na lang si Mr. Frank sa hindi ko alam na kadahilanan. Tumingin sakin si Lolo at napalitan ng maaliwalas ang masamang timpla ng mukha niya kanina.
"Come here. Dito ka sa tabi ng papa mo."nakangiting sabi niya.
"M-May papa po ako?"seryoso at nauutal kong sagot. Nanlaki ang mata ni Zumi at ang nanay niya. Kita ko ang lungkot sa mata ni Mr. Frank pero iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Tinutok ko na lang ang tingin ko kay Lolo.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?