Chapter 5 Mafia's Daughter

3.2K 97 1
                                    

Diablo Cody POV



"Nakakaboring naman."rinig kong bulong ni Nik habang naglelesson ang Values Teacher namin. Nakakaboring naman talaga, puro kwento na lang niya nung kabataan niya ang topic. Baka kapag nagpaquiz siya tungkol sa subject niya storya niya ilalagay namin. (-᷅_-᷄)




Tumaas ako ng kamay para mapansin niya ako.




"Yes Mr. Johnson?"tanong niya.




"Mag ccr lang ako."walang ganang paalam ko.





"Okay go ahead."sagot niya kaya tumayo na ako. Sa totoo lang nirerespeto ko din ang Values Teacher namin, si Ma'am Mabini. Bukod sa matanda na siya mabait naman siya.





"San ka pupunta?"tanong ni Derik.




"CR lang. Sama ka?"ngising tanong ko.




"Ulul banyo mo ulo mo."mahinang sabi niya sakin. Hahahaha alam niya naman di ako pupuntang banyo, syimpre pupunta ako sa tambayan namin sa rooftop. Naglakad na ako at pumunta sa rooftop ng building namin, pero bago pa ako makarating may narinig akong ingay mula sa hagdan.





'Ano yun?'





Dahil sa curious ko pumunta ako dun para silipin.





*blaaaaaaaagg!!*




What the? Tumakbo ako papunta hanggang dulo ng building malapit sa fire exit.





"Umayos ka na ng binabangga mo! Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo! Nasisiraan kana ba ng bait?!"sigaw ng lalaki. Sinilip ko yun at nakita ko si Dame. Yung siga siga dito sa grade 11. Hawak niya sa kwelyo si Fuchsia at nakasandal sa pader. May dugo ang labi niya at wala pading emosyon sa kanyang mukha.




Ano na naman bang pinasukang gulo ng babaeng to?!




"Dumadaan ako ng maayos, kusa mo kong binangga. Kaya tingin ko ikaw ang baliw sating dalawa."malamig na sagot naman ni Fuchsia. May gana pa siyang sumagot sa lagay na yan ha?!





"Aba!"sasapakan pa sana uli ni Dame si Fuchsia. Pero hinawakan ni Fuchsia ang kamao ni Dame at agad niya yung tinulak ng malakas dahilan para bumagsak si Dame sa sahig. Nanlaki ang mata ko. Malaking tao si Dame at napapaisip ako pano niya napatumba yun sa isang kamay niya lang?! Tumayo na si Dame at halata ang galit sa kanya. Susugod na sana si Dame kay Fuchsia pero agad siyang sinipa sa mukha at kitang kita ko ang pagbagsak niya! What the?! Anong klaseng babae to?!

Hinawakan si Fuchsia ng kasama ni Dame sa kamay at tinukak sa pader. Agad na tumayo si Dame at inakal si Fuchsia.


"Anong kagulohan to?"madiing tanong ko na nagpatigil sa kanila. Napatingin sila sakin ng nagulat pwera lang kay Fuchsia na nakatingin padin kay Dame.





"D-diablo.."sabay na tawag sakin ng tatlo kasama nadun si Dame.




"Anong ginagawa niyo jan sa babaeng yan?"tanong ko.




"K-kasi binangga niya kami tapos tingnan mo itsura ko ngayon may nga pasa dahil sa kanya..."pagsagot ni Dame. Sinungaling. Maniniwala na sana ako kung hindi ko nakita eh. Kaso nakita ko nangyari. Tiningnan ko naman si Fuchsia na nasasakal na at namumutla. 






"Bitawan niyo siya."pagsaway ko kay Dame. Agad niya namang binagsak ng baba si Fuchsia pero nanatili padin siyang nakatayo. Inayos niya ang uniform niya, niluwagan ang necktie at naglakad na.




My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now