DIABLO CODY P.O.V
Pagtapos ng pangyayaring yun. Naglakad na ako papuntang field ng may nakasalubong ako. Naglalakad siya palapit sakin.
"Ginagawa mo dito Gio?"tanong ko. Andito kasi siya sa school namin.
"Gulat ka ano? Dito na kasi ako mag aaral kakaenroll ko lang kahapon at natanggap ako agad."ngiting sabi niya.
"Congrats bro."ngiting sabi ko.
"Sports fest niyo pala ngayon?"tanong niya. Tumango naman ako.
"Nood ka? Tara!"aya ko sa kaniya. Sumama naman siya sakin. Pumunta na kami ng field at nahuli ako potek! Nakita kong hinahagis na si Fuchsia at nakataas ang isang paa niya.
Flexible....
"Si Fuchsia yan diba?"tanong niya. Lumingon naman ako sa kanya at tumango.
"Kakilala mo?"tanong ko.
"Oum."ngiting sabi niya. Maya maya ay lahat sila ay nakatayo habang nakahawak ang tagabuhat sa paa nila.
"Go Fuchsia!!"sigaw ni Gio. Napalingon ako sa kanya. Tuwang tuwa siya habang sinisigaw ang pangalan ni Karma. Napalingon ako kay Karma na gulat na gulat na nakatingin kay Gio.
Hindi mapinta ang ekspresyon niya. Hindi ko mabasa ang mukha niya.
Halos mapasigaw ako ng muntik ng malaglag si Fuchsia pero buti na lang nacontrol niya ang sarili niya.
Natapos ang kanila kaya nagsibabaan na ang mga binubuhat. Madaming nagsisigaw.
"TEZAX ACADEMY!!"
"TEZAX ACADEMY!!""
"FUCHSIA!! FUCHSIA!!"
"WHOOO ANG GALING MO!!"
Halos karamihan ay lalaki ang nagchecheer sa kanya.
Nakangiti akong tumakbo palapit kay Fuchsia.
"Karma! Ang galing mo!"ngiting sabi ko. Umiling naman siya at sinara ang tubig na iniinom niya. Naramdaman ko ang paghahabol niya ng paghinga niya.
"Napagod ka ba?"tanong ko.
"Obvious ba?"
"Sungit mo ah! Meron ka ba?!"
"Ikaw gusto mo magkameron ng black eye?"pagbabala niya. Ngumuso naman ako sumimangot. Nagulat ako ng nilapit niya ang mukha niya sakin at pinisil ang ilong ko.
"Ang cute mo."natatawang sabi niya. Namula naman ako sa sinabi niya kaya hinampas ko ang kamay niya.
"Di ako cute! Gwapo ako!"
"Kapag gwapo nakakasawang tingnan, kapag cute hindi nakakasawang tingnan at masarap pang panggigilan."natatawang sabi niya.
"Dami mong alam! Teka nga!"sabi ko at nilabas ang hawak kong extra towel. Pinunasan ko ang mukha niya at leeg. Natigilan siya sa ginawa ko pero di niya ako inawat. Hinayaan niya akong gawin yun.
"Ilagay mo to sa likod mo."utos ko at inabot ang isa panyo.
"Wag na gamitin mo na yan sa laro mo mamaya."sabi niya.
"Eh pawis ka eh."
"Grabe naman mag alala ang BOY BESTFRIEND KO."diniin niya pa talaga ang words na boy bestfriend ko.
"Tsk! Wag ka ngang maarte! Alam mo bang madami ang umiiyak dahil di ko sila kinakausap? Swerte mo nga."inis na sabi ko.
"Bakit? Ikaw lang ba? Tingnan mo din ang mga lalaking nasa gilid ko at sinisigaw ang pangalan ko. Swerte mo dahil ikaw nakakausap ko at nahahawakan ako ng ganito ng walang bali ang kamay mo."pagmamayabang niya.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Misterio / SuspensoA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?