DIABLO CODY P.O.V
"Hello!"bati sakin ni Berrica. Naglalakad na ako palapit sa kanila. Uwian na pala kung hindi ako tinawagan nila Nikson malamang nakatulog ako ng matagal dun sa rooftop. Nakapag cutting pa ako tsk.
Napatingin ako kay Fuchsia na umiinat. Napatingin siya sa gawi ko at animo'y naiinis. Natawa ako sa itsura niya dahil kulang na kulang talaga siya sa tulog hahahaha! Lumapit ako sa kanya at ngumiti ng malaki sa harap niya.
"May panis na laway kapa."pagbibiro ko. Actually wala naman talaga. Trip ko lang siya asarin hahaha.
"Wala kang mauuto nakapag salamin na ako."masungit na sabi niya
"Sus meron pa nga eh sa noo."natatawang sabi ko
"Gusto mo masapak talaga? Hindi na ako nakikipagbiruan."seryosong usal niya. Kaya napakamot ako sa batok ko. Sungit.
"Nireregla ka ba ngayon?"mahinang bulong ko at nilapit pa ang bibig ko sa tainga niya para walang makarinig. Nanlaki ang mata niya pagkaharap ko sa kanya.
Bigla niyang hinatak ang neck tie ko palapit sa kanya. Napalunok ako dahil sa mata niya. Bakit kaya hindi nakakasawang tingnan to? Parang may something eh. Pero teka bakit parang may mali?
Ano nga ba ang mali?
"Ehem."rinig kong tikhim ni Nikson. Binitawan ako ni Karma at nakalagay na naman ang dalawang kamay niya sa coat. Potek kanina pa pala sila?!
"Kanina pa pala kayo?"tanong ko.
"Malamang! Kaninang kanina pa! Sa sobrang focus mo kay Fuchsia hindi mo na kami nakikita."nagtatampong sabi ni Nikson.
"Iw di bagay!"nakangiwing usal ko.
"Uuwi na ba tayo? O maglalaro sa time zone?"tanong ni Derik.
"Inaantok na ako."sabay naming sabi ni Fuchsia. Nakatingin sila samin ng may panunuksong tingin. Nagkatitigan kami ni Karma dahil sa sinabi namin.
"Ay oo nga pala! Bakit kayo puyat ha?! Bakit parehas kayong natutulog sa klase?!"tanong ni Berrica. Parang umakyat ang dugo ko sa mukha. Nahot seat ako. Hindi sumagot si Karma at ako ay nanatiling nakaimik. Nag iisip ng sasabihin.
Baka kasi mamaya anong isipin ng mga to eh! Mga madudumi ang iniisip psh!
"It's that a coincidence?"natatawang sabi n Amethyst.
"Ah o-oo coincidence haha..haha. Tara na umuwi na tayo."aya ko sa kanila. Nakatingin sila samin na para bang chinicheck ang mukha namin. Palihim kong kinalabit sa gilid si Fuchsia para naman tulungan ako.
"Mauna na lang ako."sabi ni Karma. Potek na yan!
"Ako din mauna na ako. Sige na matutulog pa ako eh."sabi ko at tumakbo. Hinabol ko si Karma na naglalakad na parang siga sa kanto. Angas neto ah!
Lumapit ako sa kanya at umakbay. Mahigpit yun kaya napahawak si Karma sa kamay kong nakakbay sa kanya. Ngiting ngiti ako habang kinakakaladkad siya.
"The fuck!"reklamo ni Fuchsia at napahawak sa leeg niya
"OA mo naman hindi naman malakas yun!"inis na sabi ko.
"Kahit na ang lakas ng pabango ang sakit sa ilong!"reklamo niya sakin. Inamoy ko naman ang sarili ko pero hindi naman.
"Hoy napaka kapal ng mukha mo babae di mo ba alam na mahal ang pabangong to at kalahating milyon to! Ibang bansa pa yata to!"pagmamayabang ko.
"Wala akong pakealam. Di ko type ang amoy niyan masyadong matapang."sabi niya at naglakad na. Tumakbo ulit ako para habolin siya.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?