Chapter 43: Angry

2.3K 104 28
                                    

DIABLO CODY P.O.V

Natapos ang laban namin at kamusta ang laro? Ayun panalo. Gusto kong magsaya kaso di ko maiwasang hindi isipin ang nangyari kanina.

Nag aalala ako kay Karma. Hindi siya nanunuod ng laro namin. At naiintindihan ko yun, alam kong kailangan niya ng oras para sa sarili niya. Hindi ko maiwasang mag alala. Chineck ko ang cellphone ko para tingnan kong may reply ba siya sa mga text ko.

To: Takot sa hipon..

Hey where are you?

To: Takot sa hipon

Hindi kaba manunuod ng laro?

To: Takot sa hipon

Are you okay?


To: Takot sa hipon

I'll wait for you.


Wala padin siyang text ni isa. Asan kaya nagpunta yun? Kinakabahan na ako. Hindi kaya nakidnap siya? Naholdap?

Argh!!


Papunta na kami sa badmintoon court. Humiwalay na sila Nikson at Derik samin. Sila mom at dad ay manunuod kela Amethyst. Ako at si Berrica at manunuod kay Karma.


"Nagreply na ba?"tanong niya.


"Hindi pa eh. Ikaw ba?"


"Tinawagan ko na kanina kaso nakaoff ang cellphone niya."

"Nag aalala na tuloy ako sa kanya."malungkot na wika ni Berrica.

Ito na naman. Nag aalala na naman ako sa babaeng yun. Hays! San ba kasi nagsusuot yun?!

"Sana okay lang siya."rinig kong sabi niya. Hindi nako nagsalita. Nagsimula ng mag announce. Nakita ko ang coach ng badmintoon na naglalakad at mukhang balisa. Lumapit ito samin.

"Nakita niyo ba si Fuchsia?"tanong niya.

"Hindi po namin alam kahit kami hinahanap namin siya."natigil kami sa pag uusap ng pumasok ang isang lalaking kinainisan ko kanina.

Si Frank Williams. Naglalakad ito na animoy walang nangyari ss pagitan nila ng anak niya.

Pano niya nagagawang mag relax ng ganyan?

"Wag mong sasabihin kay Fuchsia na narinig natin ang usapan nila."sabi ni Berrica. Tumango na lang ako kahit gusto kong mag tanong.

Pumasok ang isang lalaking matipuno ang katawan, itim ang kanyang buong mata, gwapo ito pero mas gwapo ako syimpre. Tsk.

"Let's all welcome! Denimic Agustin from Waze University!"tawag ng lalaking announcer. Naglakad siya at nakatingin lang kami sa kanya. Bigla ko tuloy naalala ang mga mata ng mga alagad ni Lady Black. Pero kela Lady Black ay pula ang kanilang mismong mata. Madalas na akong makakita ng gantong mata na may nakapalibot na itim.

Tattoo eye ba ang tawag jan? Hindi ko alam. Basta ganun na yun.

Pumwesto ang lalaking nagngangalang Denimic sa kanang pwesto. Napatingin ako kay Berrica na nakanganga habang nakatingin kay Denimic.

"Hoy! OA mo."sabi ko sa kanya. Agad siyang kumurap at umiling. May binubulong pa siya sa sarili niya kaya kumunot ang noo ko sa kanya.

"And Fuchsia Karma Williams from Tezax Academy!!"sigaw ulit ng announcer. Nagulat ako ng biglang lumitaw si Karma. Agad akong kinabahan at kinilabutan.

My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now