DIABLO CODY P.O.V
"Cody? Fuchsia?"nagtatakang tingin niya saming dalawa. Kilala niya pala to? Tsk malamang Diablo! Dun sa birthday ng Daddy ni Berrica at magkababata ang dalawang yun kaya possibleng magkakilala sila ni Karma tsk.
"Uy ikaw pala. Anong ginagawa mo dito? Nakauwi kana pala?"tanong ko sa kanya. Pinakita naman niya ang hawak niyang paper bag.
"Oo tol. Kahapon lang. Nagshopping lang ako ngayon dito. Bumili akong pasalubong sa tita ko taga dito lang kasi siya."sabi niya. Tumango naman ako.
"B-bakit nga pala kayo magkasama?"habang nakatingin saming dalawa ni Fuchsia. Nilingon ko si Fuchsia na nakatingin lang samin. Hindi nagsasalita at hindi maintindihan ang mukha.
"Ah may binili lang kami at gumala nadin."sabi ko. Tumango naman siya at tumingin kay Fuchsia. Na para bang hinihintay niyang magpaliwanag. O ako lang nakakapansin nun? Tsk.
"Wow nice shoes."ngiting sabi niya habang nakatingin sa paanan namin.
"Oo cute ba?"tanong ko sabay bitaw sa kamay namin ni Karma at inakbayan siya. Naramdaman ko ang ilang niya pero hindi ko na lang yun pinansin. Nakangisi ako habang nakatingin kay Gio.
Biglang tumunog ang cellphone niya at sumenyas na aalis na siya. Pero bago siya umalis tumingin ulit siya kay Karma na nasa iba ang atensyon. Di ko alam pero bakit parang may mali?
Ay ewan!
"Hoy okay ka lang?"tanong ko kay Karma tulala kasi siya.
"H-huh?"kumurap pa siya bago tumingin sa mata ko.
"Sabi ko kung okay ka lang? Lumilipad na naman isip mo!"reklamo ko.
"Umuwi na tayo inaantok na ako."sabi niya.
"Mabuti nga baka mamaya mabaliw kana dito kakatulala mo."
"Tsk."sabi niya at naglakad na. Tumakbo naman ako para habulin siya.
"Madaling madali ka ha!"
"Inaantok na kasi ako."walang ganang sabi niya. Nakarating kami ng parking lot at sumakay na siya dun. Pumasok nadin ako at nagdrive na pauwi.
Nanibago tuloy ako parang tumahimik siya. Tanga ka ba Diablo? Malamang tahimik na talaga yan!
"May problema kaba?"tanong ko.
"Wala bakit?"tanong niya.
"Parang kasing meron eh. Pwede ka naman magshare wag kang mahiya."
"Wala nga."
"Parang di naman tayo magbest friend."nakangusong sabi ko.
"Para kang bakla."nakangiwing sabi niya.
"Lul mo!"
"Mag drive kana nga! Napakaingay mo!"
"Masasanay kadin."sabi niya at nagcross arms. Nakatingin na siya sa labas ng bintana.
Bakit parang tumraffic bigla?
"Bad trip naman! Traffic pa!"inis na sabi ko. Napatingin ako kay Karma na nakatingin sa may magandang tanawin.
"Gusto mo bang bumaba muna?"tanong ko.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Gizem / GerilimA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?