Chapter 103: DNA Test

4.4K 142 121
                                    

DIABLO CODY P. O. V



"Ano? Nacontact mo pa ba si Sia?" tanong ni mom sakin. Tumingin ako sa kanya ng malungkot at yumuko. Hindi ko mapigilang hindi masaktan.



Mag iisang linggo na ang lumilipas pero hindi padin nagpapakita sakin si Fuchsia. Pumunta ako sa kanila pero wala siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nahihirapan na ako. Hindi ako sanay....




Hindi ako sanay ng hindi siya kausap at hindi siya nakikita....




Napakahirap tangina...



Malapit na matapos ang taon na to pero di ko man lang siya makausap. Paano na Fuchsia?



Naramdaman ko ang paghagod ni mom sa likod ko.




"Magkakaayos din kayo. Kung ano man yang pinagtalunan niyo. Maaayos din yan..."sabi ni mom.



Maaayos pa ba? Maaayos ba yung ganung rason?



"Mom..."



"Hmmm?"umayos ako ng tayo at tiningnan si mom.



"Paano kapag nakita mo si Daddy na may humalik sa kanya? Anong mararamdaman mo?" tanong ko. Kumunot ang noo niya sakin.




"What do you mean?"



"Just answer mom...."




"Of course. Magagalit ako. Magseselos ako. Mahal ko ang daddy mo eh. Pero ayokong maramdaman yun, thanks to your dad. Hindi niya ako magawang lokohin."




"Eh paano kung kahit nililigawan ko pa lang siya?"



"Kahit nililigawan mo siya, kung may nararamdaman siya sayo. Masasaktan padin siya. Bakit anak? Wag mong sabihing nakipaghalikan ka sa ibang babae kaya hindi mo siya macontact?" kunot noong tanong ni mom. Napayuko ako at huminga ng malalim.



"Hindi ko naman alam na gagawin niya. Bigla niya akong hinalikan, hindi ko alam na nakatingin na pala samin si Fuchsia. I promise! Wala akong balak halikan siya! Nagulat lang ako bigla niya akong hinila. Hirap na hirap nako mom. Gusto kong mag explain pero paano? Mukhang naka off ang cp niya. Galit siya.... Galit siya sakin mom.... Sinira ko tiwala niya....."



Hindi na mapigilan ng luha ko ang tumulo dahil sa sakit nararamdaman ko. Nangako ako sa kanya na hindi ko sisirain ang tiwala niya... Pero sinira ko...




Tangina naman Diablo...



Napakabobo mo....



KAISER P. O. V




"San kayo maya bro?" tanong ni Lorde samin. Tumigil ako sa pagyosi at kinuha ang alak na nasa gilid.



"Punta ako mamaya sa UW." sagot ko.



"May laban ba kayo nung Jomari?" tanong ni Demon.



"Oum. January 1 sakto pagpatak ng 12."




"Taena bilis ng panahon eh no? Kakatapos lang ng pasko tapos hindi ko pa nafeel dahil di tayo magkakasama nila Bossing."sabi ni Lorde.



"Ulul, kahit puro babae mo kasama mo nung pasko."pang aasar ko.



"Nagbago na ako bro. Isang babae na lang kinahuhumalingan ko." ngiting sabi niya. Tumaas ang isang kilay ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.



My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now