Nasa gilid na kami ng pool dahil nagkayayaan silang uminom.
"Uminom kana kasi! Puro ka naman tanggi!"inis na sigaw sakin ni Diablo. Ang ingay ingay nito kahit kailan kakabwiset! Pasalamat siya natutuwa ako sa kanya! Tsk!
"Eh bakit ba? Ayoko nga. Kayo na lang."
"Kj mo naman sia! Sige na ngayon lang naman eh."pagpipilit sakin ni Berrica. Isa pa to eh
"Oo nga bukas iikotin lang natin tong Tagaytay tas uuwi na din tayo kaya wag ka ng tumanggi."singit ni Diablo. Isa din to eh! Isa pang makulit!
"Dito din naman tayo matutulog kahit maglasing tayo."sabi ni Amethyst. Kahit siya din? Aba! May magagawa paba ako?! Tsk tsk.
"Oo na! Ang kukulit ng lahi niyo."iritang sabi ko.
"Yehey!"tuwang sabi nila.
"Para kayong mga bata."iling na sabi ko. Nagsimula na kaming uminom at nag usap ng kung ano ano.
"Bakit ka nga pala laging nakikick out?"tanong ni Diablo. Tiningnan ko naman siya at binaba ang tingin sa hawak kong baso.
"Hmm kailangan ko pa ba sagutin yan?"malumanay na tanong ko.
"Oo naman. Siguro takot kang malaman namin na lagi kang may ginagawang katarantaduhan no?"sabi niya at tinaas baba ang kilay. Ngumiwi naman ako at umiling.
"Lagi akong nabubully, kung hindi nabubully lagi din akong nakikick out dahil gumaganti ako. Wala akong kakampi dahil lahat sila ay tinuturo akong masama. Ganun talaga."kwento ko.
"Huh? Grabe naman sila. Bakit hindi mo pinatulan?"tanong ni Nikson.
"Pinatulan ko. Double nga lang. Nagkablack eye pa nga yung anak ng principal dahil sa pambabastos sakin eh hahaha."natatawang sabi ko habang naaalala ko yung pangyayaring yun.
"Tuwang tuwa ka pang nabastos ka ha?"kunot noong sabi ni Diablo.
"Tsk di ako natutuwa. Natatawa lang, mag kaiba ang natutuwa sa natatawa gets mo? Binastos ako ng anak ng principal, sinapak ko siya at pinag uuntog sa pader sa badtrip ko. Pasokin ba naman ako sa banyo hayop na yun kung hindi ba naman siraulo yun."
"Bakit hindi mo siya nireport?"tanong ni Derik.
"Nireport ko, pero walang nangyari. Kilala yung anak ng principal na matalino, palakaibigan at hindi ganung tao. Kahit nga ako kilala kong ganun yun kaya wala akong pake kahit mangulit siya ng mangulit. Kaso bastos na eh. Kaso ako pa napasama."natatawang iling na sabi ko.
"Aww sorry to hear that Sia.."nalulungkot na tono na sabi ni Amethyst. Hindi ako nagsalita at nanatiling blangko.
"Sino ba yun? Gusto mo bugbogin ko? 1v1 kami ano?"mayabang na sabi ni Diablo.
"Tsk past is past. Mag inom na lang tayo."sabi ko at tinaas ang hawak kong baso sumenyas na makipagcheers sila sakin. Agad naman ilang ginawa yun at ininom ko din agad pagtapos.
Umabot kami ng tatlong oras at nahihilo na ako. Nakita kong medyo may tama nadin sila dahil nag sasayaw na naman silang apat pwera lang kay Diablo na nakaupo sa tabi ko.
"Bakit ayaw mo sumayaw? Hindi ka ba marunong?"tanong niya. Ako hindi marunong? Mas marunong pa to sa mas marunong tsk tsk.
"Nakalimutan mo na ba sinabi ko? Lahat nga kaya kong gawin diba?"sabi ko at nilingon naman siya nagulat ako ng bigla niya akong kinutungan. "Aray!"
"Hindi kasi ako naniniwala! Wala pa ngang ebidensya eh. Sample ka naman jan."nakangising sabi niya at umiling ako.
"Baka mainlove kapa."ngising sabi ko at nanlaki ang mata niya saka lumunok.
"H-hoy ang kapal ng mukha mo! Hindi ka maganda at sexy okay?"nakakunot na sabi niya.
"Galit na galit gusto manakit."mahinang sabi ko habang natatawa.
"Hoy kayong dalawa mamaya na yang heart to heart talk niyo sumayaw na kayo dito!"sigaw ni Berrica. Umiling lang ako at tinungga ulit ang hawak ko. Tequilla kasi ang iniinom namin ngayon.
"Grabe hindi ka padin lasing? Samantalang ako nararamdaman ko na umiikot na paningin ko."iling na sabi niya.
"Malakas kasi ako. Di moko matatalo kahit saan."ngising asong sabi ko.
"Sus kayabangan mo! Jan ka magaling eh sa pagmamayabang mo!"
"Totoo naman kasi."natatawang sabi ko. Hindi ko alam kung bakit napagtatyagaan ko pang kausapin ang lalaking to. Kahit na nakakainis siya kausap at mahilig mangutong natutuwa padin ako sa ugali niya. Para ko na din siyang boy bestfriend ko dahil hindi na kami ganun kailang. Kasi puro away lang nagagawa namin sa loob ng buwan na nakilala ko siya.
"Wag na nga lang tayong sumayaw. Kj naman kasi tong dalawang to.."pag aaya ni Berrica. Lumapit na sila samin at umupo na. Nakatingin padin ako sa basong nasa kamay ko.
"Let's play a game."sabi ni Amethyst kaya kumunot ang noo ko sa kanya.
"Go ako jan basta ang laro ay truth or dare!"tuwang sabi ni Nikson. Lahat sila pumayag kaya ako na naman ulit ang hihintayin nilang pumayag. Nakatingin sila sakin at naghihintay sa sagot ko.
"Ano pang tinitingin niyo? Umpisahan niyo na tsk."nataranta naman sila at kumuha ng isang bote ng tequilla. Nilagay sa harap namin.
"So kapag tumama tong ulo ng bote ikaw ang tatanongin at kapag tumama sayo ang ilalim ng bote ikaw magtatanong."ngiting sabi ni Nikson.
"Alam na namin yan."pambabasag ni Diablo. Kahit kelan talaga.
"So let's start!" Inikot na ni Amethyst ang bote dahil siya ang nakaisip na maglaro kami. Tumama yun kay Berrica at sa ilalim ako. Ako ang magtatanong kay Berrica.
"Truth or Dare?"tanong ko sa kanya.
"Dare agad!"tuwang sabi niya. Nag isip ako ng ipapagawa ko sa kanya.
"Tumabi ka kay Derik."sabi ko at nanlaki ang mata nila parehas. Tuwang tuwa naman silang tatlo. Tsk I'm not stupid para hindi ko mapansing walang gusto si Derik kay Berrica. Kapansin pansin masyado.
"Ah eh."naiilang pang sabi niya at nagkakamot sa ulo. Tinulak naman siya ni Amethyst hanggang sa mapasubsob siya sa braso ni Derik. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi ni Derik. Ano ka ngayon? Tiningnan ko ang reaction ni Berrica at naging kalmado na. Magaling magtago hindi ko mahulaan eh. Tsk.
"Witwiw!"sipol ni Diablo.
"Galing mo Sia!"tuwang sabi ni Nikson. Nagstart na ulit magpaikot si Berrica dahil siya ang tinanong. Tumama ito kay Amethyst at ang ilalim ay kay Diablo.
"Truth or dare?"tanong ni Diablo.
"Hmm truth!"
"May balak ka pa bang iwan si Nikson?"tanong ni Diablo. Umiling naman si Amethyst at ngumiti.
"Hindi. Hindi ko siya kayang mawala eh."namumulang sabi niya. Pag ibig nga naman! Sa una lang yan! Lahat magbabago! Bitter.
"Love naman ."nakangiting sabi ni Nikson. Kinikilig amputcha.
"Yuck."sabay naming sabi ni Diablo. Napatingin ako sa kanya, nagkatitigan kami at biglang natawa. HAHAHAHAHAHAHA!
Inikot ulit ang bote at tumama yun kay Derik at sa ilalim ay si Amethyst.
"Okay truth or dare?"tanong ni Amethyst.
"Truth."kinakabahang sabi niya.
"May nagugustohan kana bang babae?"
Berrica Smith P.O.V
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?