FUCHSIA KARMA P. O. V
"Are you going to school now?"bungad sakin ni Mr. Frank. Kakababa ko lang ngayon para pumasok sa school. Naabutan ko siyang nagkakape habang katabi ang mama ni Zumi.
"Yes."sagot ko.
"Sumabay ka na samin kumain."aya niya sakin.
"No. But thanks."pormal na sagot ko. Maglalakad na sana ako pero may malakas na boses akong narinig.
"Good morning!"bungad ni Zumi sakin. Nakangiti siya at nakauniform na. Tiningnan ko ang buong itsura niya at kumunot ang noo ko ng mapansin na sobrang payat niya na. Parang may inis akong naramdaman. Hinarap ko si Mr. Frank na nakatingin samin.
"Bakit niyo pa pinapapasok to?"madiing tanong ko sa kanya.
"Gusto ko naman to eh."singit ni Zumi sa usapan.
"BAKIT. MO. PA. SIYA. PINAPAPASOK?"madiin at mabagal na tanong ko sa kanya. Nakipaglaban ako sa titig niya sakin.
"Gusto niya ang pumasok. Hindi ko na siya pinapayagan."sagot niya.
"Pumayag ka naman?"seryosong tanong ko.
"Si Zumi ang may gusto niyan, wag mong sisihin ang daddy mo Fuchsia."seryosong sabi ni Seriana. Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Isa ka pa. Alam mo ng malala ang sakit nyang anak mo pinapabayaan mong maglakad at mapagod!"
"Because she want Fuchsia. Sinusunod lang namin ang gusto niya."
"Yan. Yan ang mali sainyo, sumusunod kayo sa kanya dahil ano?"
"Gusto niya yun. Pinagbigyan namin siya."
"Mali padin eh. Kahit alam niyong gusto niya wag kayong pumayag. Kapag sinabi ko ba sainyong lalayas siya sa bahay na to? Susunod kayo? Okay lang sainyo? Kahit alam niyong mali?"diko mapigilang mainis sa kanila.
"Huminahon ka lang."mahinang sabi ni Zumi at hinawakan ang kamay ko. Lumingon ako sa kanya at nakita kong may namumuong luha sa mata niya.
"Wag ka ng pumasok. Kung gusto mo, mag home study ka habang nagpapagaling ka."seryosong sabi ko sa kanya.
"Pero gusto ko talaga pumasok, kahit ngayon lang. Bago ako mawala gusto kong magkaron ng maraming kaibigan.... Katulad mo...."nakayukong sabi niya. Parang may tumusok sa puso ko ng sabihin niya yun.
Si Zumi meron naman siyang mga kaibigan pero hindi nagtatagal. Halata naman sa mukha ng mga yun na pinaplastic lang nila si Zumi. Dahil umiikot lang mundo niya sa bahay, paaralan, hospital.
"Talagang pinapatay mo na sarili mo? Ganyan na ba kahina?" dismayadong tanong ko sa kanya.
"Alam ko naman kasi ang mangyayari, hindi na ako magtatagal dahil bumibigay na yung katawan ko." nakayukong sabi niya.
"Kung ganyan kakitid ang utak mo. Wag kang dumikit sakin dahil baka mahawa ako sayo."malamig na sabi ko sa kanya. Tiningnan ko sila Mr. Frank at Seriana na nagulat sa sinabi ko.
"I am disappointed with you..."madiing sabi ko sa kanila at naglakad na palabas.
DIABLO CODY P. O. V
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?