Chapter 84: Throwback

2.1K 108 47
                                    

FUCHSIA KARMA P. O. V


"Okay class dismissed!"paalam ng guro namin at lumabas na. Agad naman kaming tumayo para sa break time.


"Ikaw ah. Lumalove life kana hihi."kinikilig na sabi ni Berrica. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating kami sa cafeteria ay maraming mga tao ang andun. Kanya kanyang grupo, may mga magjowang naghaharutan sa gilid at may mga lonely.


Nakita ko sila Diablo na nakaupo at may mga pagkain na sa lamesa. Napansin ako ni Derik kaya kinalabit niya si Diablo na nakikipag usap kay Nikson. Lumingon naman sakin si Diablo at agad lumaki ang ngiti pagkakita sakin.


Tumayo siya ng makalapit na ako sa kanila at pinag ayosan ako ng upuan.


"Gentleman!"natatawang sabi ni Berrica at umupo na sa tabi ko.


"Para kang tanga."sabi ko kay Diablo pagkaupo ko.


"Anong tanga ka jan? Sweet ang tawag dito."ngising sabi niya. Umiling na lang ako at kinuha ang kutsara para kumain.


"Asan nga pala si Amethyst?"nahihiyang tanong ni Berrica.


"Hindi mo sinabi sa kanila?"tanong ni Diablo kay Derik.


"Eh hindi ko naman sila kaklase pano ko masasabi?"kibit balikat na sagot ni Derik.


"Hindi siya pumasok dahil umalis siya. Magbabakasyon daw sa mga kamag anak namin eh hindi ko naman alam kung saan dahil marami kaming mga kamag anak. Ayaw niya naman sabihin."

Napatingin ako kay Nikson na nakayuko.


"Hoy."tawag ko sa kanya. Napatingin naman sila sakin dahil sa pagsasalita ko. Nagulat naman si Nikson sa pagtawag ko sa kanya at dahan dahang inangat ang tingin sakin. Para siyang kinakabahan ng magtama ang mata namin.



"B-Bakit po?"magalang na sagot niya. Kumunot ang noo ko sa kanya dahil sa sagot niya.


"Anong po? Tangina Nikson ano nakain mo at naging magalang ka? Tas sa mas bata pa sayo ng isang taon?"natatawang tanong ni Derik. Tumaas ako ng kilay kay Nikson at agad naman siyang kumurap.



"Ay hehe lutang sorry."pekeng tawa niya sabay hawak sa leeg.


"May problema ka ba?"tanong ni Diablo sa kanya.


"W-wala naman. CR muna ako."paalam niya at tumayo na. Pinanood namin siyang naglalakad papalayo samin. Nagpanggap akong naiihi kaya napansin ako ni Diablo.


"Oh bakit ganyan mukha mo?"nag aalalang tanong ni Diablo.


"CR muna ako."paalam ko sa kanila, hindi na ako naghintay ng sasabihin nila dahil tumayo na ako naglakad. Pagkarating ko sa comfort room ay sinandal ko ang likod ko sa labas ng  comfort room ng mga lalaki. Napapatingin sakin yung mga lalaking lumalabas at kumakaway pa sakin.



"Hello Idol!"


"Grabe ang ganda mo talaga Lodi!"


"Astig!"rinig kong sabi nila habang nakatingin sakin. Hindi ko na lang sila kinibo at hinihintay lumabas ang lalaking hinihintay ko. Nang naamoy ko na ang pabango niya ay agad ko ng hinarang ang paa ko sa pinto para pigilan siya. Nanlaki ang mata ni Nikson  at gulat na gulat ng makita ako.



"A-Ano po yun?" magalang na tanong niya. Napailing ako at sinenyasan siya na sumunod sakin. Maraming tumitingin samin pero hindi ko na pinansin. Habang naglalakad ako palabas ay may mga babaeng masasama ang tingin sakin.



My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now