Hello guys! Medyo nanibago ako dahil hindi ko nabasa comment ng mga palacomment ko dito hahaha. Buhay pa ba kayo? Charot! I miss you all, pasensya na nagiging busy ako dahil student at magwowork si Author. Natutuwa ako kada comment niyo kada words hahaha. Ginaganahan ako eh hahahaha.
Enjoy reading! Mwa!
FUCHSIA KARMA P. O. V
Naglalakad kami ngayon ni Zumi papuntang building ng mga Grade 10 ng biglang....
"Fuchsiaaaaaaaaaa!!!"napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang malakas na sigaw niya. Tumigil ako sa paglalakad at nanatiling nakatayo. Mga ilang segundo ay naramdaman ko na lang na may umakbay sa kin.
"Good morning!"masiglang bati niya sakin. Ngiting ngiti siya at sobrang ayos ng buhok.
"Naks new hair cut."puri ni Zumi sa kanya.
"Bagay ba?" tanong ni Diablo kay Zumi.
"Oo ganyan mga tipohan ni Fuchsia."natatawang sagot ni Zumi.
"Ano Karma? Hawig ko na ba si Kim Taehyung?"tanong niya.
"Hindi."sagot ko. Suminangot naman siya at parang batang inayos ang buhok.
"Nagpagupit pa naman ako para sayo tapos hindi bagay? Grabe ka Karma!"reklamo niya.
"Sinabi ko bang magpagupit ka?"
"Hoy ikaw ah! Bumabalik yang pagiging pilosopo mo."ngusong sabi niya. Umiling na lang ako dahil sa inasta niya.
"Oo na gwapo kana. Mas gwapo pa kay Taehyung."ngising sagot ko at naglakad na.
Nakakailang lakad pa lang ako ng maramdaman kong hindi na ako nakaapak sa lupa.
"Talagang ang lakas mo magpakilig ano?"sabi niya habang buhat buhat ako.
"Ibaba mo ako o sikmuraan kita?"
"Sungit. Meron ka ba ngayon?"tanong niya.
"Wala."walang ganang sagot ko at naglakad na. Nagmadali na akong maglakad para makapunta sa room namin. Naririnig ko pa ang pagsigaw ni Diablo pero hindi na ako lumingon. Pagkarating ko ng room ay bumungad sakin si Berrica na busy sa cellphone niya. Dumiretso naman na ako sa upuan ko ay umub-ob.
Arrghhhh....
Wala ako sa mood.
DIABLO CODY P. O. V
"Anong nangyari dun?"tanong ko kay Zumi.
"Hala ka ginalit mo yata. Nambabae ka siguro ano?" natatawang tanong niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad na umiling.
"Hoy hindi ah! Hindi ako nambabae at wala akong babae!"
"We? Sure ka? Baka mamaya nahuli ka niyang may kausap na babae hindi mo lang alam."
"Seryoso ka? Wala naman akong ibang kinausap kundi si Eurika lang eh. Nagtanong kasi ako. Yun lang naman."kinakabahang sabi ko.
"Lagot ka."seryosong sabi niya at nagsign pa ang isang daliri niya.
"Ano gagawin ko?"
"Edi suyuin mo."
"Sige."
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?