FUCHSIA KARMA P. O. V
Ilang linggo ang lumipas at bakasyon na namin. Maraming nangyari, maraming dumating na mga tao sa buhay ko. Nagsisimula ng mabuo ang dating grupo naming lima, ako, Demon, Lorde, at Blake. Isa na lang ang kulang samin.
Si Diana...
Ang matanda saming apat. Ang tumayong ate samin. Ilang taon na din pala simula nung umalis siya ng hindi namin alam ang rason. Basta nalaman na lang namin na, umuwi na siya sa ibang bansa pero hindi sinabi ang lugar dahil ayaw niya na hanapin namin siya. Kilala niya kami eh.
Kamusta nga ba sila?
Si Zumi, nasa bahay na hindi ko siya pinapayagang lumabas ng lumabas dahil nag aalala ako sa kanya. Si Gio? Ayun, kakauwi niya lang galing Australia. Dun pala siya nag stay at busy sa business nila.
Si Berrica? Ayun, okay naman siya. Hindi kami masyado nakakapag usap dahil madalas niyang kasama ang pamilya ni Nikson. Habang si Nikson naman ay ganun din. Si Derik? Wala akong masyadong alam sa kanya dahil hindi kami masyado dikit. At may sariling mundo siya. Si Amethyst, pumapasok na siya pero ilag siya kay Berrica. Ako tuloy nahihirapan para sa kanila. Di ko naman ugali ang mangialam, nirerespeto ko na baka nasasaktan lang yan si Amethyst.
Sila Denimic, Lorde at Blake minsan napunta sila sa bahay para magbonding kami. O kaya minsan ay sa UW kami nagkakakitaan napapadalas na kasi ang punta ni Blake dun. Bali-balita pa nga na si Blake ang papalapit sa pwesto ni King. Hindi naman ako chismosa para alamin kung totoo yun. Tsk. Si Kaiser, nagiging close nadin siya sa tatlong yun. Mabilis lang naman pakisamahan si Kaiser dahil magaling siyang makisama sa mga tao.
Hmmmm..
Si Diablo?
Ayun. Mas lalong nagiging sweet ang loko -__- Hindi ko alam kung araw araw ba yung tumitira ng chocolate dahil lagi siyang may pakulo kada pupunta sa bahay. Pinatigil ko na nga kakabili ng bulaklak dahil namamatay din. Kaya ang binibigay niya na lang ay yung bouquet na punong puno ng chocolate -_-
Tumayo na ako sa higaan ko para kumain ng tanghalian. Nakakatamad ngayong araw. Pagbaba ko wala masyadong tao dahil masyado silang busy. Pagkaupo sa upuan ay lumapit na sakin ang isang kasambahay at inabot ang pagkain ko.
"Si Zumi kumain na ba?"tanong ko sa kanya.
"Opo hinatiran ko po siya ng pagkain sa kwarto niya."sagot niya. Tumango na lang ako at nagsimula ng kumain. Mamaya ko na lang silipin si Zumi pag akyat ko. Nagsimula na akong kumain habang nanunuod sa TV.
"Ma'am may naghahanap po sayo."bungad sakin ng kasambahay galing sa labas.
"Sino?"
"Yung gwapo po. Yung may hiwa po yung bandang mata."
"Papasokin mo."
"Sige po."
Maya maya ay bumukas na ang pintuan ay bumungad sakin ang mukha ni Diablo. May hawak siyang isang box ng donut habang ngiting ngiting papalapit sakin.
"Papatabain mo ba talaga ako?"
"Good afternoon love!"masayang bati niya.
"Tigil tigil moko sa love love na yan."
"Bakit ano ba tinawag ko sayo?"kunot noong tanong niya.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?