FUCHSIA KARMA P. O. V
"Good morning!"dahan dahan kong dinilat ang mata ko at pagbukas neto at bumungad sakin ang isang mukha.
"Tangina."mahinang sabi ko pagkatulak sa kanya.
"Aray ang sakit ha!"reklamo ni Berrica. Umupo ako at tiningnan silang dalawa.
"Tangina ano ba pinaggagawa niyo dito?"kunot noong tanong ko. Ang aga aga nambubulabog.
"Bumangon kana jan dai! Bilisan mo dahil sa sobrang sarap ng tulog mo di mo alam na ngayon ang birthday ni Lady Red!"pagpapaalala sakin ni Berrica. Tiningnan ko naman si Kaiser na feel na feel ang pangangalkal sa mga hoodie ko.
"Pake ko dun?"iritang tanong ko.
"Hoy ansama! Parang hindi mo naman naging mamita yun sis! Wag kang ampalaya ha!"
"Lumayas layas nga kayo sa tabi ko! Alam niyo bang ala una pa lg ng madaling araw?!"
"Nakalimutan mo na yata! Kailangan mo ng dumalo sa birthday niya yun ang sabi ni King diba? Umakyat pa kami jan sa veranda ng kwarto mo! Mamaya makita pa kami ng lolo mo. Lagot kami."sabi ni Berrica. Kumunot ang noo ko ng makita ko si Kaiser na sinusuot ang isang leather jacket ko. Kinuha ko ang unan na nasa gilid ko at binato yun sa kanya.
"Aray naman!"reklamo niya.
"Ano yang kinakalkal mo jan?"
"Mang aarbor lang naman. Ang dami mo kasing gamit. Baka naman pwedeng paarbor?"pagpapacute niya.
"Tsk." umiling na lang ako at tumayo para maligo.
Bakit pa kasi kailangan pang madaling araw? Napakadami naman nilang alam! Birthday birthday pa sila mamamatay din naman!
Pagtapos ko maligo ay sinuot ko anh bathrobe ko bago lumabas ng banyo. Naabutan ko pa si Berrica na tinutulungan si Kaiser sa jacket na susuotin niya.
"Tumabi nga kayo jan!" iritang sabi ko. Gumilid naman sila at pinagpatuloy padin ang ginagawa nila. Pumasok ako sa dressing room para maghanap ng masusuot. May nakita akong isang black formal outfit na hindi ko pa ginagamit.
Kinuha ko yun at sinuot. Paglabas ko ng dressing room ay lumabas na ako para mag ayos. Umupo ako sa may harap na malaki salamin at binuksan ang isang cabinet na punong puno ng fake tattoo na pare-parehas ang desenyo. Napansin siguro ako ni Kaiser kaya umupo siya sa gilid ng salamim at nagpangalumbaba sa lamesa habang nakatingin sakin."Bakit kaba naglalagay niyan?" tanong ni Kaiser. Nakita ko ang paglingon ni Berrica samin mula sa salamin at umupo sa isang gilid ko.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?