DIABLO CODY P. O. V
"TOTOO BA LAHAT NG NARINIG KO?!" pag ulit na sigaw ng Lolo nila Fuchsia. Hindi ako makagalaw. Lahat kami ay hindi makagalaw.
Galit....
Sakit...
Yan ang nakikita ko sa mata ng lalaking kaharap namin. Nanlilisik ang mata niya kay Mr. Frank na ngayon ay nakayuko.
Nagulat ako ng sobrang laki ng hakbang niya palapit kay Mr. Frank.
*BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAGGGG*
Nakita na lang namin na nakaupo si Mr. Frank sa lapag habang hawak ang kanyang pisngi. Nanlaki ang mata namin. Galit na galit ang mukha ni Mr. Williams (lolo ni Fuchsia).
"Lolo tama na po."naiiyak na sabi ni Zumi sa kanilang lolo.
"Wag kang makisali dito Zumi, kunin mo itong anak mo."malamig na utos ni Mr. Williams sa nanay ni Zumi. Agad siyang yumuko at sinunod ang utos.
"Paano mo nagawang gawin yun sa sarili mong anak?!"galit na sigaw ni Mr. Williams kay Mr. Frank. Hindi siya nakasagot at nanatili siyang nakayuko habang gumagalaw ang kanyang likod.
"Tumingin ka sakin!"sigaw sa kanya ni Mr. Williams. Dahan dahang inangat ni Mr. Frank ang ulo niya.
Umiiyak siya....
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Pagsisisi...
Lungkot...
Sakit...
Yan ang makikita mo sa mata ni Mr. Frank.
"Lolo maraming mga taong nakakakita sa ginagawa mo sa kanya." nakayukong sabi ng nanay ni Zumi.
"Anong kagulohan to?" napatingin naman kami sa nagsalita. Isang matandang babae.
Siya yung nakita kong sumampal kay Fuchsia.
"Mauna na ho kami."nakayukong sabi ni Amethyst sa nanay ni Zumi. Tumango naman siya bilang sagot. Hinawakan na ni Amethyst ang braso ko at hinila palabas doon sa mansion nila.
Nang tuluyan na kaming makalabas dun na ako nakahinga ng maluwag. Bigla kong naalala si Fuchsia.
"Mauna na ako, Nik isabay mo muna si Amethyst sayo." nagmamadaling sabi ko at tumakbo na. Sumakay ako sasakyan ko at nagsimula ng bumyahe.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Fuchsia. Pero wala. Walang sumasagot. Nagriring lang ang cellphone niya.
Fuck!!
Kailangan ko siyang matrace! Nagpark ako saglit at tinrace ang cellphone ni Fuchsia.
Processing....
Processing....
Old Jewish Cemetery...
Agad kong pinatay ang cellphone ko na pumunta na kung san ko natrace ang cellphone niya. Sobrang bilis ng pagpapakatakbo ko at wala na akong pakialam.
Fuchsia....
Hintayin mo ko...
Darating na ako...
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?