DIABLO CODY P.O.V
ISANG NAPAKAGANDANG UMAGA PARA SAKIN ANG ARAW NA TO!!
MORNING HAHAHAHA!
Bumaba na ako ng kwarto ko papuntang kusina. Naabutan ko ang mga katulong namin na naghahanda ng pagkain. Nakaupo ang mommy ko habang may hawak na folder.
"Good morning Mom."bati ko sa kanya. Binaba niya ang hawak niyang folder.
"Morning anak. Aga mo naman yata ngayon?"tanong sakin ni mom. Oo mom maaga ako dahil may pagtitripan pa ako. Hahaha!
Naalala ko na naman yung babaeng yun! Tinaasan lang ako ng kilay!
"Hehe yes po."naiilang na sagot ko.
"Morning mom."walang ganang bati ng babaeng nasa likod ko. Kahit di na ako lumingon alam kong si Amethyst yun. Umupo siya sa harap ko. Nagsimula na akong kumain habang hindi sila nililingon. Nag iisip pa ako ng gagawin ko dun sa babaeng yun.
"Where's dad?"tanong niya kay mom.
"Busy anak eh. Alam mo naman puro work ang daddy mo."sagot naman ni Mom. Lagi naman busy yun, Kung tutuusin pwede na si dad manirahan sa office niya kakawork niya.
"Alam kong ikaw ang may gawa dun sa babaeng yun."sabi ni Amethyst kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakataas ang kilay niya at halata mong wala sa mood.
"What?"iritang sagot ko.
"Bakit mo ginawa yun?"inis na tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin at hindi siya nagpatinag ng tingin sakin. Sobrang badtrip na talaga siya.
"Bakit ako sinisisi mo?!"inis na sigaw ko. Mukhang lumabas muna si mom dahil wala siya dito.
"Ikaw lang naman ang kilala kong bully dun! Tatlo kayo nila Nik at Derik! Pero dahil sakin kaya nagbago si Nik! Impossibleng magagawa niya yun! At si Derik impossible din dahil may gusto yun kay Berrica! Kaibigan ni Berrica ang babaeng ginanun mo!"galit na sigaw niya sakin. Nginisihan ko siya kaya nagulat naman siya.
"Anong pakealam ko sa babaeng yun?"nakangising sagot ko. "Isa siyang babaeng walang respeto sa may ari ng eskwelahang yun!"
"What the? Hindi ikaw ang may ari ng eskwelahang yun!"
"Pero mapapasakin yun! Tandaan mo yan! Kilalanin niya ako bago niya daanan daanan at tingnan ng ganun!"sigaw ko
"Bobong ka ba talaga? O tatanga tanga ka lang!? Kasi napakababaw ng rason mo! Hindi niya alam kung sino ang may ari ng school na yun! At ganun daw talaga siyang tao! Tahimik! Malamig ang tingin at walang pakealam sa buhay!"
"So ako pa mag aajudjust ngayon?!"inis na sigaw ko.
"Yes! Dahil may utak ka naman! Hindi ka naman siguro isip bata diba?!"sigaw niya sakin.
"No I'm not!!"
"So don't act like one!! Wag mo ng ituloy ang binabalak mo dahil irereport kita kay daddy sa kagagohang ginagawa mo!"sigaw niya sakin. Padabog kong hinampas ang lamesa dahil dun tumalsik ang kutsara at plato ko.
"Wag kang mangialam sa ginagawa ko, pakialaman mo ang sayo. Wag kang masyadong pakealamera!"sigaw ko.
"Anong nangyayari?"rinig kong boses ni mom. Nagtataka itong tumingin saming dalawa.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?