BERRICA SMITH P. O. V
"Ang daya niyo hoy!"sigaw ni Nikson.
"Anong madaya? Tanga ka lang talaga hahahahaha." natatawang sabi ko sa kanya.
"Huta Derik ikaw naman! Basketball player ka diba? Ikaw na sumhoot jan!"sigaw ni Nikson kay Derik na tinatawanan lang siya. Naglalaro kami ngayon ng baskeball gamit ang maliit na bola at ishoshoot sa cup na nasa harap namin. Kung sino ang may maraming nashoot mababa lang ang tagay nila. At kung sino ang may mababang nashoot yun ang may mataas na tagay. At dahil nanalo ako kay Nikson kinuha ko ang Black Label saka nilagyan ang inumin njya ng mataas na tagay.
"Inumin mo yan!"sigaw ko sa kanya.
"Kainis! Iganti mo ako Derik!"inis na sabi ni Nikson sabay tinungga na ang black label at coke."Arghh! Ang tapang!"
Tinawanan ko lang si Nikson dahil wasted na wasted na ang mukha niya. Tinatawanan naman siya ni Amethyst dahil namumula na ang pisngi ni Nikskn at mukhang batang ngumunguso.
Lumapit na si Derik sa may table kung saan nakalagay ang mga cap at siya naman ngayon ang magshoshoot. Kinuha niya ang maliliit na bola sa mga cap at pumwesto sa tabi ko.
Napanguso ako ng makitang sunod sunod yung pagshoot niya. Talo ako neto! Arrrrrghhh!
"Ikaw na!"sigaw ni Nikson sakin. Nakasimangot kong kinuha ang mga bola sa cap at bumalik sa pwesto ko kanina. Tumingin pa ako kay Derik na tahimik na nakatingin sakin. Umiwas din ako ng tingin dahil matutunaw na ako dun. Nag umpisa na akong magshoot ng bola at ang masasabi ko lang ay...
madami akong sablay!
Argh!!
"BWAHAHAHAHAHAHAHA tagay mo boy!"natatawang si Nikson at naglagay na ng black label sa inumin ko. Padabog akong kinuha yun at nagsimula ng tunanggain yun. Nagulat ako ng biglang agawin ni Derik ang inumin ko at siya na ang tumungga nun para sakin.
"Hoy ang daya mo Derik!"sigaw ni Nikson kay Derik nilapag niya ang cap na inomin ko at pinunasan ang labi niya. Tumingin siya sakin at ngumiti.
"B-bakit mo ininom?"
"Malalasing ka. Panget sa babae ang malakas uminom."nakangiting sabi niya. Parang may humaplos sa puso ko ng sinabi niya yun. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti ko.
Humarap ako kay Gio na ngayon ay nakikipag usap kay Amethyst. Tumingin naman siya sakin ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.
"Mauna na akong umuwi."sabi sakin ni Gio.
"Sige ingat ka."
"Hindi kaba sasabay sakin? Susundan ko ang kotse mo hanggang sa makarating ka sa condo mo."
"Hindi na. Dun na ako matutulog sa guest room para may kasama si Fuchsia dito."iling na sabi ko. Natigilan siya sa nasabi ko at kumunot ang noo.
"Dito siya matutulog?" tanong niya.
"Oum."tangong sagot ko.
"Kakausapin ko muna siya bago ako umalis." sabi niya at tumayo na. Lumapit siya kela Nikson at Derik na nakatayo sa gilid.
"Mauna na ako, Derik pakibantayan yung kapatid ko."ngiting sabi niya kay Derik. Napahawak naman si Derik sa batok niya. Bakit kay Derik pa? Pwede namang kay Amethyst?
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?