FUCHSIA KARMA P.O.V
"Bangon kana! May pasok pa tayo. Lunes na lunes oh. May 20 mins kapa para mag ayos at 10 mins para makapunta ng school."hindi ko na siya pinatapos at agad na ako bumangon. Dumiretso ng banyo para maligo.
Kakauwi lang namin galing Tagaytay. Masaya naman. Nag enjoy kami.
Pagtapos ko maligo lumabas na ako at nagsuot ng uniform. Tapos na si Berrica at nasa kusina siya.
"Let's go."aya ko sa kanya. Tumayo naman siya at nauna na akong maglakad. Nakakatamad ngayong araw seryoso. Tsk tsk.
Pagkarating namin ng school maraming mga estudyanteng nakapila. Monday pala ngayon kaya may pila. Dumiretso na ako sa pila namin at nakita na namin si Amethyst sa stage. Napatingin siya samin at kumaway kaya kumaway din si Berrica sa kanya. Pumwesto ako sa dulo bago mag umpisa ang flag ceremony.
Inikot ko ang paningin ko at hinanap siya.
Bakit wala si Diablo?
San kaya nangpunta yun?
Natapos ang flag ceremony at wala pading Diablo na dumadating.
"Hey."bati samin ni Amethyst. Tumango ako sa kanya at tumingin ulit sa likod baka sakaling makita si Diablo dun.
Tsk. Di ako sanay ng walang nag iingay at nang iinis sakin.
Nakarating na kami ng room at nagsi upuan kami.
"Bakit pala wala si Diablo? Hindi ko siya napansin eh."tanong ni Berrica kay Amethyst.
"Ah oo eh. Nilalagnat kasi siya kaya hindi na pumasok. Nagpupumilit pa nga kaso sobrang taas ng lagnat niya."sabi ni Amethyst. Bigla akong naguilty.
Dahil sakin kaya siya nilagnat. Kung hindi ko siya sinama hindi siya lalagnatin. Diablo naman tsk tsk.
Habang naglelesson hindi ako mapakali. Agad akong tumayo at lumapit kay Sir Elias.
"Sir, I need to go. May emergency po."sabi ko kay Sir at pinakita ang text.
"Huh? Gnun ba? Sige. Habol kana lang bukas."sabi ni Sir at agad na akong tumakbo papalabas. Narinig ko pang tinatawag ako ni Berrica.
Sumakay na ko ng taxi at sinabi ang lugar nila Diablo. Tsk habang naglelesson si Sir inustusan ko si Lorde na itext ako na nahospital ang tatay ko. Tsk sama ko ba? Joke lang naman yun.
Tinext ko si Berrica para hindi siya mag aalala.
To: Berrica
Wag mo na akong hintayin. May emergency.
Nagbayad na ako at naglakad na. May mga guard sila dito at kilala ako kaya hindi nila ako kailangan paghintayin.
"Saan ang kwarto ni Diablo?"tanong ko sa katulong.
"Nasa third floor po may makikita po kayong name sa may pinto sa may bandang kanan sa kanya po yun."tumango naman ako at naglakad na. Buti may elevator sila sa bahay nila.
Pagkarating ko hinanap ko ang kwarto ni Diablo. At nakita ko agad yun. Kumatok ako pero walang sumasagot. Tulog yata. Pinihit ko ang pinto at saktong nakabukas yun.
Bumungad sakin ang mabangong kwarto ni Diablo. Malawak. May malaking kama. Maraming mga gamit pero nasa maayos na lalagyanan.
Nakita ko siyang nakahiga at balot na balot sa kumot. Umupo ako sa may kama niya at inalis ang kumot na nakaharang sa mukha niya.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?