Chapter 56: Pregnant? NO WAY!

2.2K 98 36
                                    

FUCHSIA KARMA P. O. V


"Good morning!" masayang bungad sakin ni Berrica. Nakauwi na kami kahapon at lunes na ngayon. Back to school ulit.


"Morning." bati ko sa kanya.



"Namumula padin mata mo. Sabi ng doctor wag ka ng magsusuot ng contact lense muna okay?" paalala sakin ni Berrica.


Pag ilang beses niya na ba pinapaaalala to?



"Sa ilang beses mo ng nasabi yan nakakabisado ko na ang linya mo." mahinang usal ko at pumunta na ng banyo.



Pagtapos maligo ay dumiretso na ako ng kwarto ko para magbihis ng uniform.



"Tara na!" aya ni Berrica paglabas ko ng veranda. Hindi nako kumain dahil wala akong gana. Nabusog ako sa yosi.



Pagkarating ng parking lot pumasok na kami sa sasakyan niya. Pinaandar niya ang sounds niya sa loob ng sasakyan niya.


Now Playing: Evergreen by Westlife..


Nakikinig lang ako sa music habang tinatahak ang byahe papuntang school.



"We're here!"bumaba naman na ako ng sasakyan at inayos ang shades ko. Tahimik akong naglakad habang nasa tabi ko si Berrica. Pinagtitinginan kami ng mga tao at mas lalo na ako. Sino ba namang siraulo ang magsheshades sa paaralan?


Pagkarating namin ng room naupo na ako at umubob sa lamesa ng upuan ko. Kapag nakapikit ako nararamdaman ko yung pananakit ng mata ko.


Ilang minuto ang hinintay namin at dumating na ang teacher namin. Nakatayo siya sa harapan ng mapansin niya ako kumunot ang noo niya.



"Why are you wearing a sunglasses Ms. Williams?" tanong niya.



"I have sore eyes ma'am."



"Ow. Dapat hindi kana pumasok."



"I'm fine ma'am."



"If you want to go home, you can go at least you can rest your eyes. By the way, congratulations for winning the Badminton." nakangiting sabi ni ma'am.



"Thank you." mahinang usal ko. Marami ang nagcongratulate sakin at tango lang ang sinasagot ko sa kanila. Dumating ang ibang mga teacher namin at puro tanong kung bakit ba ako nakashades. Syimpre sinabi ko mau sore eyes ako.



"Bye class!" paalam ni ma'am. Tumunod ang bell hudyat na magbebreaktime na. Tumayo na kaming lahat. Tatlo kaming naglalakad nila Berrica at Amethyst patungong cafeteria.



"What do you want?" tanong ni Amethyst.



"Ako na bahala. Kelangan niya ng mga gulay. Maupo kana dun." sabi ni Berrica kaya naglakad na ako patungo sa dati naming pwesto. Pagkaupo ko saktong tumunog ang cellphone ko.



1 message received..


From: Demonyo

Nasa baba na ba kayo?


To: Demonyo


Yeah.


Nilagay ko na ang phone ko sa bulsa ng coat ko.



"kyaaaaah!! Ang gwapo nila!"




"Ang hot mo Diablo!!"



"Akin kana lang Derik!"



My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now