Chapter 75: Birthday&Engagement

2.2K 120 41
                                    

FUCHSIA KARMA P. O. V


Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Agad kong inabot yun at pinatay. Nakapikit akong tumayo sa higaan ko, tiningnan ko ang orasan ng at nanlaki ang mata ko ng makitang 9:36am na.


Putaena late na ako sa school.


Bakit ba kasi tinanghali ng gising?


Simple lang. Hindi ako makatulog dahil paulit ulit sa tainga ko yung boses ng lalaking yun!


Argh!


Parang sirang plaka sa utak ko! Agad akong bumangon sa kama at dumiretso ng banyo. Papasok padin kahit late na. -_-


Mukhang aabotin pa ako ng break time pag dating ko dun ah. Pagtapos ko maligo, nagpalit na din ako ng P. E uniform. Kinuha ko na ang bag ko at sinukbit sa ang isang tali sa likod saka lumabas ng kwarto. Nakasabay ko pa sa paglabas si Zumi at mukha hindi papasok.


"Why are you late?"tanong niya.


"Pake mo?"


"Wow. Tinatanong ka na nga ikaw pa ganyan."


"Di ko kailangan ng tanong mo."seryosong sabi ko at naglakad na pababa. Pagbaba ko nakasalubong ko si Mr. Frank.


"Morning."bati ko at dinaanan na siya. Napatigil ako dahil sa pagtawag niya sakin.


"Fuchsia."dahan dahan ko siyang nilingon at tiningnan ng walang gana.


"Pwede ba tayong mag usap?"sensiridad na tanong niya.


"Ano ang dapat pag usapan?"kunot noong tanong ko.


"I just want to say sorry. For everything...."kitang kita ko sa mata niya ang pagsisisi, lungkot, at sakit. Iniwas ko ang tingin sa kanya at tinalikuran siya.


"Wala ako sa mood para pag usapan ang bagay na yan."malamig na sabi ko at tuluyan ng naglakad palabas ng bahay. Dumiretso na ako ng sasakyan ko at pinaandar na yun.


Nagulat ako ng makita ang cellphone ko na naiwan ko dito sa sasakyan. Agad kong kinuha yun. Napanganga ako ng makita ang bumungad sakin.


Demonyo 34 missed calls....


Demonyo 10 messages...


Agad ko namang tiningnan yun at nakita ang pinagtetext niya.


From: Demonyo


Where are you?


Papasok ka ba?


Hoy babae.


Masarap ba ang tulog mo dahil sa ganda ng boses ko?


Mag uumpisa na yung klase niyo kakadaan ko lang sa room niyo.

Aabsent ka?

May problema ka ba jan sa inyo?

Nagstart na klase niyo.

Hindi ka talaga papasok?

Break time na namin, kain kana jan. If u have problem, u can call me.


Last text niya ay 5 minutes ago. Pinaandar ko na ang sasakyan ko para makaabot akong break time dahil nagugutom ako.


My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now