DIABLO CODY P. O. V
Hindi ko alam kung san kami dinala ng paa namin dahil kanina niya pa ako hinihila. Hindi ako makapagsalita at nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa likod niya.
Bigla siyang tumigil dahilan para mapalingon sa paligid ng pinaghintuan namin. Agad niyang binitawan ang kamay ko at humarap sakin. Di ko maiwasang ngumiti dahil sa ginawa niya. Para akong bakla na kinikilig!
"Nakakatawa na yun sayo?" seryosong tanong niya sakin. Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa itsura niya. Parang nanlambot tuhod ko dahil sa seryoso niyang titig sakin.
"S-Sorry."
"Ganito ka ba manligaw? Nakikipag date sa ibang babae?"
"H-Huh? Hindi kami nagdedate."
"Wag mo kong pinagloloko."
"Pano mo nalaman na kasama ko siya?"
"Bakit? Gusto mo bang itago? Hindi ka nakalusot?"
"Hala hindi ah. Magtanong lang ako."
"Wag ka ng magtanong."seryosong sagot niya.
"Sorry.. Hindi ko sinasadya. Galit kaba?" nag aalalang tanong ko.
"Ako? Magagalit? Saan?"taas noong sabi niya.
"Kasi magkasama kami.."
"Natatawa nga ako eh. Gusto mo bumalik ka dun?"tanong niya sakin.
Ay, oo sila Derik naiwan ko dun takte. Sinundo ko pa naman silang dalawa. Wala silang dalang sasakyan.
"Oo sag--"
"Tapos bukas, bumalik kana din sa dating di mo ko kilala ha?"seryoso at madiing sabi niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Fuchsia naman... Babalikan ko lang naman sila Derik dun eh."
"Ahhh! Bahala ka sa buhay mo."
"Teka galit ka? Nagseselos ka?"tuwang tanong ko sa kanya.
"Ako magseselos? Wag kang umasa! Di uso sakin ang salitang yun."
"Hmmm bakit ganyan ka? Nagseselos ka lang eh."
"Hindi nga sabi eh!"
"Wag nga ako Fuchsia. Halatang halata ka kaya hahaha."natatawang sabi ko.
"Bahala ka jan!"inis na sabi niya at nagmadaling naglakad. Tumakbo naman ako para habulin siya kaso tumakbo din siya. Potek! Asan na yun?! Timakbo ako hanggang parking lot at nakita kong wala dun ang sasakyan niya.
Tangina iniwan niya ako?
----
Lunes...
Pagtapos ng pangyayaring yun ay hindi sumasagot sa tawag ko si Fuchsia. Pumupunta ako sa bahay nila kaso ayaw niya lumabas ng kwarto niya. Potek. Galit talaga siya?
Tingin niyo nagseselos siya?
Hays..
Pagtapos kong mag ayos ay bumaba na ako para makakain at makapasok na. Naabutan ko sila dun na kompleto at mukhang kakababa lang din.
"Bakit ang lungkot ng anak ko?"tanong ni mommy sakin.
"Taglungkot ka ngayon little bro ah." pang aasar ni Amethyst.
"Nung sabado kapa nakabusangot anak, may problema ka ba?"tanong ni dad.
"Eh hindi kasi ako pinapansin ni Fuchsia. Hindi ko na po tuloy alam gagawin ko."
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?