Chapter 65: Shy

2.5K 114 56
                                    

(KAISER DAVIS)


DIABLO CODY P. O. V


"Tangina kaltokan mo nga to si Diablo kanina pa tulala." rinig kong sabi ni Nikson.

Hanggang ngayon hindi ako makapag salita. Walang lumabas ni isa sa bibig ko dahil sa gulat at pagkabigla.

That man have a yellow eyes....

He looks like a little bit of Lady Red...

Para akong nabuhusan ng malamig kanina.

"Bakit ba kasi ganyan yan?"tanong ni Derik.

"Malay ko ba jan."naglakad na kami papuntang Lab Room. Bago kami pumasok sa room nagbitaw ako ng salita.

"Malalaman niyo rin kung bakit." seryosong sabi ko sa kanila bago maglakad at umupo na sa upuan ko. Nagtataka silang tumingin sakin bago umupo din sa kanya nilang upuan. Nadadagdagan na kami at wala padin si Fuchsia.

Nakita kong pumasok na si Berrica kaya inayos ko ang uniform ko. Nilapit ko ng unti ang upuan ko sa tabi ni Fuchsia.

Sumunod na pumasok ay si Amethyst. Luminga pa ako ng unti para abangan siya.

Parang bumagal ang oras ng nakita ko na siyang naglalakad papasok sa lab room. Parang may bola at bulaklak sa paligid niya. Para siyang kumikinang sa paningin ko.


At nagtama ang mata naming dalawa. Para akong matutumba sa titig niya, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, feeling ko pinagpapawisan na ako. Naramdaman ko na lang na nasa harap ko na si Fuchsia.

"Bakit tulala ka sakin?"natatawang sabi niya. Napaatras naman ako at umiling.


"H-hindi ah."ngumisi naman siya at pumunta na sa upuan niya.

"Ah... s-sino yung kasama mong l-lalaki kanina?"nagtatakang tanong ko. Tumingin naman siya sakin.

"Bakit mo natanong?"tanong niya.

"A-ahm wala lang. Hindi ko alam na may close ka pa palang ibang lalaki."hindi maiwasan ang bitterness sa tono ng boses ko. Tumingin ako sa kabila at pinikit ang mata ko.

Tangina baka mahalata ako!


"Nagseselos ka?"natatawang sabi niya. Para akong tangang nanlaki ang mata at lumingon sa kanya.

"Bakit ako magseselos?!"malakas na sabi ko at napatayo pa ako sa upuan ko. Nagulat ako ng napalingon sakin lahat ng kaklase namin. Nakaramdam ako ng hiya. Napalakas yata ang ang pagsalita ko."Anong tinitingin tingin niyo?!" reklamo ko sa kanila. Lumingon na sila sa harap nila kaya napabuga ako ng hangin bago humarap kay Fuchsia. Nakangisi siya sakin at umiiling.

"Para kang tanga. Highblood ka ba?"

"Wag mo kong kausapin!" pagmamaktol ko at umupo na. Narinig ko pa ang mahinang tawa niya. Lumingon ako sa kanya para tingnan yun.

Bigla akong nakaramdam ng inis. Ganyan din ang tawa niya nung kausap niya yung lalaki kanina. Ganyan na ganyan!

Bwiset.

"Wag ka ngang ngumiti! Naiinis lang ako!"iritang sabi ko at tumingin na sa harap.

Tangina ano bang inaarte ko?

Hindi naman ako nagseselos. Hindi talaga!

"Goodmorning class!" masayang bungad samin ni Ma'am. Nakatayo na siya sa harap at nilibot ang tingin samin.

My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now