FUCHSIA KARMA P.O.V
Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Thursday na pala. Bumangon na ako sa higaan ko at dumiretso ng banyo. Nakita kong busy sa pagluluto si Berrica kaya hindi niya ako pinansin. Okay nadin siya at 3 days na siyang absent, kaya gusto niya nading pumasok para humabol ng lesson.
Pagtapos ko maligo lumabas ako ng nakatuwalya. Nagulat pa sakin si Berrica.
"Ay white lady! Hala ka hindi kita napansin."gulat na sabi ni Berrica kaya umiling na lang ako.
"Ang dami naman niyang niluto mo?"tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango habang nilalagyan ako ng kanin sa plato ko.
"Oo syimpre hahaha."nagkwentohan pa kami ng kung ano ano. Maaga pa naman kaya hindi na kami nagmadali.
"Nabalitaan mo na ba?"pag iiba ni Berrica sa usapan.
"Ano yun?"tanong ko habang kumakain.
"Nakauwi na si Gio. Galing siya kahapon kela Daddy."
Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ako nakapag salita. Nakatulala ako sa pagkain at hindi ginagalaw ang pagkain ko.
Nakauwi na siya?
Good for him..
"Hoy! Natulala ka jan!"pitik niya sa harapan ko. Napatingin ako sa kanya ng walang emosyon.
"Mabuti naman."maikling sabi ko at kumain na lang ulit kahit nawalan ako ng gana.
"Ayos ka lang ba?"tanong niya sakin kaya tumango ako.
"Sorry, sana hindi ko na lang siya binanggit."nakayukong sabi niya. Nanatili akong blangko.
"It's okay."sagot ko. Pagtapos ko kumain dumiretso na ako ng kwarto ko at nagsuot na ng uniform.
Pagtapos ko bumungad na sakin si Berrica na nakaupo sa sofa at may kausap.
"Happy birthday mommy! I miss you so much po. Yes Mom, I'll bring my friends there. Huh? Si Fuchsia? Baka hindi po siya pumayag. Try ko po. Sige mom take care I love you mommy."
Pagbaba niya ng cellphone napatingin siya sakin at nagulat.
"Ahm narinig mo naman usapan namin ni Mommy diba? Birthday ni Mommy ngayon. May party mamayang gabi sa bahay, gusto daw ni Mommy na pumunta ka. Pwede ka ba? Kung hindi sasabihin ko sa kanya na busy ka."
"Sige. Happy birthday kamo."
"Salamat
Pero anong sige?! Kahit andun si Gio?"tanong niya.Kasama siya? Malamang mag kuya yan eh.
"Yeah ayaw mo ba?"walang ganang tanong ko
"Hindi naman nag aalala lang ako sayo."nahihiyang sabi niya tumango na lang ako at naglakad na. Pagkarating namin ng parking lot sumakay na kami sa sasakyan niya. Kinuha ko ang ear pods ko at nagpatugtog.
Saktong ito pa music ang bumungad sakin. Talagang sinasabayan ang badtrip ko.
Some try to hand me money, they don't understand..
I'm not broke I'm just a broken hearted man..
I know it makes no sense but what else can I do..
How can I move on when I'm still in love with you..🎶Tangina. Bakit ito pa? Napatingin ako sa labas hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakikinig sa tugtog ko.
Bakit umuwi siya ka agad?
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?