Diablo Cody P.O.V
"I heard na may bago tayong kaklase."bungad sakin ni Nikson na kakarating lang. Andito kami sa tambayan namin sa rooftop at kami lang ang pwedeng umakyat dito.
"Anjan ka pala. San mo nalaman?"tanong ni Derik na binuga ang usok ng yosi niya bago siya magsalita.
"Kay Amethyst."sagot niya naman. Girlfriend niya ang ate kong si Amethyst. Isang taon lang ang agwat namin. Parehas kaming Grade 10. Dahil nag stop siya ng isang taon dahil inoperahan siya sa kidney sa New York.
"Kakilala niya ba?"tanong ulit ni Derik.
"Oo. Kaibigan daw ni Berrica."pagkasabi nun ni Nik agad namula si Derik.
Nakakadiri.
"Kilig ka naman."pang asar ko sa kanya.
"H-hoy hindi ah!"pagtanggi niya. Umiling na lang ako at pinatanong ang paa sa lamesa.
"Baka naman pagtripan mo pa yun?"tanong ni Derik.
"What?"pagmamaang maangan ko.
"Wag mo ngang ituloy ang binabalak mo. Mukhang may pagtitripan ka na naman."pagsaway niya sakin.
"Wala kang pake."masungit na sabi ko. Tumayo na ako para silipin ang mga taong naglalakad sa baba. Saktong nakita kong papalabas si Amethyst sa Principal Office, kasunod niya si Berrica at ang huli ay isang babaeng payat. Hindi naman siya ganun kapayat pero payat padin tingin ko sa kanya. Naglalakad sila at tahimik lang siya sa likod nila.
Tss. Mahina to.
Ngising sabi ko. Bumaba na kaming tatlo para pumunta sa room namin. Magkakaklase kaming tatlo dahil request ko yun sa Mom ko.
Naglakad na kami at tahimik lang ang taong madadaanan namin. Ayokong may tumitili at nagsisigaw sa paligid ko dahil nakakatikim sakin.
Pagpasok namin sa room dun na ako pumwesto sa pinakadulo. Pinatong ko ang paa ko sa lamesa at tumingin sa bintana.
"Okay class get your one whole sheet of paper. You have quiz, ang hindi gumawa wag ng umasang may grades sakin at makagraduate."masungit na sabi ni Mrs. Monteverde. Masungit ito at talagang nagrereport sa tatay ko.
At dahil gusto ko gumraduate sumunod naman ako. Tss.
Natapos ang quiz ay pinasa na namin yun.
"Johnson ibaba mo ang paa mo."pagsaway niya sakin. Pinanlisikan ko siya ng mata at padabog na binaba ang paa ko.
"Tiklop ka ano?"natatawang pang asar sakin ni Nik.
"Kung di lang ako graduating baka pinahiya ko na yan dito."inis na sabi ko. Dumating ang ibang teachers at puro lesson. Wala nakong maintindihan bwiset. Excited na ako sa gagawin ko mamaya.
Napangisi ako sa kalokohang gagawin ko mamaya.
Hindi pa natatapos magsalita si ma'am ay tumaas na ako ng kamay.
"Tapos na klase niyo."Sabi ko at nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Namula si Ma'am Garcia at nagpaalam na. Yun naman pala eh. Daming alam pakwento kwento pa.
"Gago ka talaga, kapag yan nakarating kay Tito lagot ka talaga dun."pagsaway sakin ni Derik. Hindi ko siya pinansin at lumabas na.
Pumunta kami ng cafeteria at lahat ng madadaanan namin ay gumigilid. Walang nagsasalita at sumisigaw dahil alam nila kalalagyan nila tsk tsk.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?