FUCHSIA KARMA P. O. V
"Karma yung damit mo nakasabit na jan sa likod."sabi niya pagkakatok niya. Hindi na ako nagsalita at nagkuskos ako ng sabon sa katawan. Kompleto lahat ng gamit dito sa banyo, may bathtub din siya dun na malaki.
Pagkatapos ko magsabon narealize ko na wala akong toothbrush. Shit.
"Diablo..."
"Hmmm?"
"May extra toothbrush ka ba jan?"tanong ko.
"Ah teka maghahanap ako."hindi na ako nagsalita at tiningnan na lang ang sarili ko sa salamin. Nakatanggal ang contact lense ko at buti na lang marami ang laman ng solution ng lalagyan ng lense ko kung hindi baka matuyo.
Nakarinig ako ng katok kaya binuksan ko ang pinto at nilabas ang kamay ko. May nilagay siya sa kamay ko kaya sinara ko na ang pinto. Kumunot ang noo ko ng marealize na pambaba ang toothbrush na to, may halong white at pink.
"Kanino to?" tanong ko.
"Kay Amethyst yan, kakabili lang jan tsaka hindi pa gamit."sagot niya. Tumango na lang ako at nag toothbrush na. Pagtapos ko magbrush nagbanlaw nadin ako.
Pinunasan ko ang kamay ko bago ko isuot ang isang contact lense ko sa isang mata ko. Buti may tuwalya dito kaya sinuot ko yun bago ko buksan ang pinto para kunin ang damit na susuotin ko. Isang tshirt na puti, puting jacket at puting pambaba.
May lamay ba?
Napailing ako at pumasok ulit ng banyo para magpalit.
Nilagay ko sa buhok ko ang isang tuwalya para matuyo bago ako lumabas ng banyo. Naabotan ko pa si Diablo na nakahiga sa sofa at tulala.
Sabihin niyo sakin saan ko mahahanap ang salitang PANGET sa lalaking to? Bukod sa ugali niya?Fuck. Nakalimutan ko bang sabihin sainyo na masyadong perpekto ang mukha ng lalaking to?
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Bí ẩn / Giật gânA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?